Cimmy's POV
NAGHAHANDA ako ng dinner dahil ano mang oras ay uuwi na si Brent.Alam kong sa loob ng apat na taon na pagsasama namin ay hindi niya ako tinuring na asawa.
Nang matapos akong magluto naglagay na ako ng mga plato sa lamesa,narinig ko naman ang ugong ng sasakyan niya sa labas kay sigurado akong dumating na siya.
Lumabas ako ng kusina para salubungin siya.
"Brent nagluto ako ng dinner alam kong gutom ka,"sabi ko sa kanya ng makapasok siya sa pintuan.
"Busog ako Chimmy kung gusto mo kainin mo nalang ang niluto mo,pagod ako gusto ko ng magpahinga,"malamig na sagot nito tsaka humakbang paakyat ng hagdan.
Naiwan naman akong mag-isa.Kailan kaya ako makikita ni Brent bilang asawa niya.Alam kong ako ang sinisisi niya kung bakit kami umabot sa ganito.Mahal ko si Brent gagawin ko ang lahat para lang maging karapat-dapat ako na asawa.
Bumalik ako sa kusina,naupo ako sa harap ng lamesa habang nakatitig sa mga niluto ko.Tinawag ko sila Manang para saluhan ako sa hapunan.
Pagkatapos naming kumain sila na ang nagpresinta na magligpit kaya umakyat na ako sa kwarto ko.Oo,hiwalay kami ni Brent ng kwarto,ayaw niyang pumapasok ako sa kwarto niya hindi ko alam kung bakit.
Pumasok ako sa banyo para maligo,hindi naman ako nagtagal sa banyo at lumabas na ako.Napatda ako ng makita kong nakaupo si Brent sa gilid ng kama tumayo siya at nilapitan ako.
Binuhat niya ako at hiniga sa kama,tinanggal niya ang tapis kong tuwalya at walang ingat na pumasok sa loob ko.Ganito kami palagi ni Brent nakikita niya lang ako sa tuwing kailangan niya ng pampainit sa kama.
Nang matapos kami tumayo siya at lumabas na ng kwarto ko.Tumayo ako para pumasok ulit sa banyo hindi ko mapigilang maiyak sa trato niya sa akin.Hanggang kailan ako magiging ganito?ito na lang ba ang magiging papel ko sa buhay ni Brent.
Kinabukasan maaga akong nagising para magluto ng almusal para kay Brent.Nagluto ako ng hotdog,bacon,egg at gumawa ako ng avocado sandwich para baunin niya sa opisina.
Maya-maya pa ay pumasok na siya ng kusina,binuksan niya ang ref at kumuha ng tubig.Nagtimpla naman ako ng kape niya.
"Mag-almusal ka muna Brent,"tsaka ko nilagyan ng kanin ang plato niya.
"Sa opisina na ako kakain at magkakape,"tumalikod na siya para sana lumabas ng kusina pero inabot ko sa kanya ang baon niyang sandwich.
"Hindi ko kailangan yan,"at tuluyan na siyang lumabas ng kusina.Tumulo naman ang luha ko,ang sakit-sakit pala sa dibdib na ganito ang trato sayo ng lalaking mahal mo.Kahit anong gawin kong effort para lang makita niya pero wala talaga.
Umakyat na lang ako sa tapos para sana maligo ng makita ko ang isang kasambahay na may bitbit na pang linis.
"Saan ka maglilinis,"tanong ko sa kanya.
"Pinapalinis po ni Sir Brent ang kwarto niya Ma'am,"sagot nito.Kinuha ko naman ang mga panglinis para ako na na ang gagawa.
Pumasok ako sa kwarto niya,binuksan ko ang ilaw at tumambad sa akin ang halos kulay itom lahat ng kagamitan niya.pati ang bedsheet niya ay kulay itim ngayon ang unang beses ko na nakapasok dito sa loob.
Binuksan ko ang isang maliit na pintuan at tumambad sa akin ang opisina niya dito sa loob ng kwarto niya.Uunahin ko muna itong linisin,lumapit ako sa table niya para punasan ng makita ko ang isang picture frame na nakapatong.
Para akong binuhasan ng tubig na punong-puno ng yelo.Magkasama sila ng ex niya sa picture frame,kaya ba ayaw niyang pumasok ako dito sa loob dahil hanggang ngayon mahal niya parin ang ex niya.
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng aking luha,sobrang sakit sa puso.Binuksan ko ang drawer niya at doon tumambad sa akin ang maraming litrato nila ng ex niya na magkasama.Lumabas ako ng kwarto niya at pumasok sa kwarto ko,kinuha ko ang cellphone ko at hinanap ang account ni Brent sa f*c*book.Parang biglang tumigil ang mundo ko ng makita ko ang nakapost magkasama sila ng ex niya nong isang araw lang itong naka upload .
Ibig sabihin bumalik na ang ex niya.Wala na ba talaga akong pag-asa na mahalin ni Brent.Kahit minsan ba hindi niya man lang ako naramdaman sa puso niya.
Namamaga na ang mata ko sa walang tigil na pag-iyak baka sa pamamagitan ng pag-iyak ko maibsan ang sakit na nararamdaman ko.
Kaya ko pa ba?Bakit hindi na lang ako Brent?Hanggang kailan ako mamalimos ng pagmamahal mo.Tuluyan na mha akong humagulhol kahit anong pigil ng luha ko patulot parin itong umaagos.
Hindi ko namalayan na nakatulugan ko na pala ang sobrang pag-iyak ko,nang magising ako madilim na sa paligid.Pumasok ako sa banyo para maghilamos ng maibsan ang pamamaga ng mata ko,nang matapos ako at lumabas na ako ng kwarto at bumaba sa kusina.Naabutan ko sila Manang na kumakain.
"Manang dumating na po ba si Brent,"?tanong ko.
"Tumawag siya kanina na hindi daw siya makakauwi dahil may mahalaga daw siyang asikasuhin,"sagot ni Manang.
May mahalaga ba talaga siyang aasikasuhin o ang ex niyang si Sandra ang inaasikaso niya.Alam ko naman na kung may mahalaga man para kay Brent yun ay si Sandra.Akala ko nong naghiwalay sila hindi na sila magkakabalikan pa pero hanggang ngayon si Sandra parin pala ang priority niya.
Samantalang ako ay pampainit niya lang sa kama.Kung kaya ko lang burahin sa puso ko ang pagmamahal ko kay Brent matagal ko ng ginawa.Sana nga ganun lang kadali,ganun lang kadali makalimot,ganun lang kadali magparaya pero hindi e.Saan ba ako nagkulang Brent,ano ba ang kulang sa akin bakit mo ako pinapahirapan o dahil ba sa aming dalawa ako lang ang nagmamahal sa kanya.Ginawa ko naman ang lahat,ginampanan ko naman ang pagiging asawa ko sa kanya, kahit alam kong parang hangin lang ako sa kanya.