Mabilis nakuha ni Nick ang loob ng Mama niya na halos ipagtulakan naman siyang sumama kay Nick sa condo nito. Naipaliwanag ni Nick kung paano sila ikinasal at kung bakit sila ikinasal maliban na lang sa hindi pa nairi-reshistro ang kasal nila. Doon na sila naghapunan para makasalo nila ang ina. Alas nueve na sila nakaalis dahil panay ang kwento ng Mama niya ng kung ano-ano. "Bakit mo naman sinabi kay Mama na kaya ako nagpakasal sa 'yo kasi kailangan ko ng pera para sa operasyon niya?" tanong niya kay Nick habang papunta na sila sa condo ni Axel na siyang tinutuluyan ni Nick ngayon. "Para malaman niya ang mga sakripisyo mo bilang anak. She will appreciate you more. Siniguro ko naman sa kanya na aalagaan kita at hindi tayo maghihiwalay kahit sa ganoong paraan tayo nagkakilala." "Hm

