Pinigil ni Camilla ang luha na gusto nang tumulo pagpasok pa lang niya kanina sa meeting room. Hindi pa rin niya maintindihan kung bakit si Nick ang nandito at hindi si Axel. Kasama ba nito si Fiona? Nagtanan ba ang dalawa o tumakas kay Charles at Axel? "Gusto kong malaman ang eksaktong bilang ng stocks natin sa ngayon, Darwin," wika nitong muli sa baritonong boses. "Kung ilan rin ang empleyado at magkano ang buwanang sahod. Binanggit sa akin ni Axel na maraming tauhan na ang nag-resign at tinerminate." "Lalo kasing bumababa ang sales natin sa loob ng anim na buwan," katwiran naman ni Darwin. "Hindi naman gaanong natututukan ni Sir Axel ang kumpanya kasi madalas din siyang wala dito." "I know." Sumandal si Nick sa malambot na silya saka tumitig sa kanya. "At hindi na siya babali

