Chapter 4

1657 Words
"Pumapayag ka?" tanong ni Charles na tila ba inaasahan pa na makakatanggi siya. Gusto niyang magtawa. Nakakainsulto ang tanong nito kung hindi lang talaga siya naiipit sa sitwasyon. "Importante ho ang kaligtasan ni Mama. Sa palagay ko ho ay hindi niyo ako bibigyan ng ibang pagpipilian kung paano ko kayo mababayaran sa magiging pagkakautang ko." Marahan itong tumango bago binuksan ang drawer. Naglabas ito ng bank book doon at sinulatan. Iniabot sa kanya ang isang cheke na naglalaman ng limang milyong piso. "H-hindi ho ganito kalaki ang kailangan ko," mabilis siyang umiling. Para siyang lulubog sa kinauupuan sa pag-uusap na 'yun. Limang milyon ang nakasulat sa tseke. Isang milyon lang ang kailangan niya. "That's the initial payment for accepting our agreement." "Initial payment?!" Ni hindi niya halos maitaas ang kamay para abutin ang tseke sa kamay ng matanda. "Ano ho ang ibig niyong sabihin?" "Another five million will be deposited to your account when you able to give Nicholas a child." "A child?!" "You will get married," kaswal namang wika ng matanda. "Natural lang na magkaanak kayo dahil mag-asawa kayo at dapat bumuo ng pamilya." "Pero... B-bakit ho ako? I mean... ---" "Hindi ko kayang sagutin ang tanong na 'yan sa ngayon, Camilla. But if you want an honest answer, I liked you since the moment I saw you. Call it father's instinct. Gayunpaman, hindi pa rin ako mapapanatag at susubaybayan ko ang mga kilos mo. You will be Nicholas' wife, therefore, I expect you to be a faithful, always honest, and submissive to your husband." "Kaya niyo rin ho ba tinanong kung... kung nabuntis ako ni Axel kaya ako nandito?" alanganin niyang tanong. "Yes. If you are pregnant with Axel, his wife can sue you for having an affair with her husband. Hindi mo iyon maikakaila kung nabuntis ka. Hindi ka magiging karapat-dapat alinman sa mga anak ko." "Pero hindi ko ho talaga alam na may-asawa si Axel!" agad niyang depensa. "Bakit naman ako papatol sa lalaking may asawa?" "Masisiguro mo ba sa akin ngayon na puputulin mo na ang anumang ugnayan ko sa bunso kong anak?" "Iyon ho ang nararapat, Mr. Esquivel. At wala naman hong nakakaalam dito na magkasintahan kami ng anak niyo bukod sa driver na nakasalubong ko sa b****a ng hacienda noong nasiraan ako ng sasakyan. Nakikiusap ho ako kung puwedeng huwag na nating ungkatin ang ugnayan namin dahil wala naman iyong halaga." "Exactly my thoughts, Camilla. I am glad that we are on the same page now. Hindi ko rin gustong pagpyestahan kayo ng tsismis ng mga tao dito. Bukod sa nakaraan mo kay Axel, kailangang wala ring makakaalam ng kasunduan nating ito." "M-makakaasa ho kayo..." "Your wedding will be held in next week. Ipakakausap kita sa sekretarya ko para matulungan ka niya sa preparasyon ng kasal niyo ni Nicolas." "Si... Si Nicholas ho... alam na ho ba niya na... i-ikakasal kami?" "I will have a meeting with him in an hour. Kakausapin ko rin ang manager ng banko sa bayan para magawan ka ng account at maideposito mo ang pera na 'yan. Ipahahatid kita sa driver matapos ang tanghalian." Tumingin ito sa orasan nito sa kamay saka tumayo. Napilitan na rin siyang tumayo. Iyon na ang hudyat na ipinagbili niya na ang kalayaan niya sa mga Esquivel. Nang bumalik siya sa silid niya ay para siyang nahapo. Umupo siya sa eleganteng kama habang pinipilit pa ring unawain sa isip ang mga nangyayari. Mayaman na rin siyang maituturing sa ngayon at ikakasal na siya sa lalaking mayaman din sa susunod na linggo. Iyon naman talaga ang pangarap niya noon pa. 'Yun nga lang, hindi sa lalaking kasintahan niya. At sa uri ng personalidad ni Nick, hindi magiging madali ang lahat. Isang malalim na hininga ang pinakawalan niya. Kung mayroon mang naidulot ang lahat ng ito sa ngayon, maililigtas ang buhay ng Mama niya at natuklasan din niya ang kasinungalingan ni Axel sa kanya. Mabuti na lang na hindi niya ipinagkaloob ang sarili dito kung hindi ay wala siyang mukhang ihaharap sa ngayon sa ama nito. Tiyak rin na ngayon ay pabalik na siya sa Maynila na dala pa rin ang suliranin kung saan kukuha ng isang milyon para sa operasyon ng Mama niya. Her chastity saved her and her mother. Ngayon ay may limang milyon na siyang tatanawin sa banko niya bukod pa sa limang milyong naghihintay kapag nabigyan niya si Nicholas ng anak. What a lucky woman she can get! Pero ika nga, may kapalit ang lahat ng perang nakuha sa madaling paraan. Paano kung nananakit pala ng babae si Nicholas kaya walang nagtagal na babae dito? Wala siyang ideya kung anong klase itong tao. Though Axel lied to her about his marital status, her ex-boyfriend was a friendly and sociable man. Kay Nicholas ay hindi niya masasabi ang ganoon. He seemed to dislike her! Pagkatapos ng mahabang oras ng pag-iisip, nagbabad siya sa shower para mapreskuhan ang pakiramdam. Malamig ang simoy ng hangin sa umaga at gabi pero maalinsangan na kapag tanghali. Hindi niya alam kung bakit gusto niyang humarap kay Nicholas na presentable siya. Hindi niya gustong mapahiya sa harap nito. Isang puting maong na shorts at emerald green turtle neck knitted blouse ang isinuot niya. Bumagay iyon sa maputi niyang kutis at payat na pangangatawan. Kumpleto naman siya sa palamuti sa katawan tulad ng relo at kwintas na galing sa perang iniaabot ni Axel sa kanya paminsan-minsan. Hindi naman na siguro babawiin ng dating kasintahan sa kanya ang perang naibigay na nito. O kung bawiin man, may pera na siyang ipambabayad. Perang galing din sa ama nito. Tumingin siya sa salamin para sipatin ang sarili kung mas bagay ba sa kanya ang nakatali ang buhok o hayaan lang itong nakalugay. Sa unang pagkakataon sa buong buhay niya ay ginusto niyang magpa-impress sa harap ng isang lalaki. Hindi sa pagmamayabang, ligawin na siya noon pa man. Malakas daw ang appeal niya dahil sa nangungusap niyang mga mata, mapang-akit na ngiti, at magandang hubog ng katawan. Hindi niya pa naranasan na magtagal nang kalahating oras sa salamin dahil may gusto siyang patunayan. Ngayon lang talaga. Tinawag na siya ng katulong dahil kakain na ng tanghalian. Pagbaba niya sa komedor ay naroon si Charles Esquivel. Naroon din si Nicholas na hindi naman siya halos sinulyapan. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit kailangan niyang kabahan sa harap ng lalaking ito na tila wala namang pakialam sa kanya. "Luluwas pala patungong Maynila si Nick bukas, Camilla. Maaari kang sumabay kung gusto mong dalawin ang Mama," suhestyon ni Charles na hindi niya naiwasang mapatingin kay Nicholas. Nakatingin din ito sa kanya pero umiwas din kaagad nang magtama ang paningin nila. Tila may paro-paro sa tiyan niya na hindi niya mawari. Bahagya lang siyang ngumiti. Baka hindi naman gusto ni Nick na isabay siya kaya't hindi siya makasagot. "Madaling-araw ang alis ko, Papa," sagot ni Nick na mabilis ang ginagawang pagsubo. "It might be inconvenient for her to wake up in wee hour of the morning." Nag-warning look si Charles sa kanya na sumagot. Bahagya niyang naintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin. Pinaglalapit silang dalawa kaya't dapat na makiayon siya. "O-okay lang sa akin. Makararating ako ng maaga sa Maynila kapag maaga tayong aalis..." Nang tumingin si Nick sa kanya ay kasabay ding binitawan nito ang kutsara at tinidor. Hudyat na tapos na itong kumain habang siya'y naka dalawang subo pa lang dahil sa kaba. Paano niya pakakasalan ang lalaking ito na walang ibang dulot sa kanya kung hindi takot? She was sure she feared this man. Sa ilang sandali ay magkatitig lang sila hanggang dumako ang tingin nito sa mga labi niya na hindi niya alam kung bakit. "Mabuti kung ganoon," putol ni Charles sa mahabang katahimikan. May ngiti rin sa mga labi nito na hindi niya alam kung para saan. Nagpunas si Nick ng mga labi gamit ang puting twalya sa kandungan nito. "Babalik na ako sa bukid, Pa," mahina nitong paalam sa ama. Marahan namang tumango ang matanda saka itinuloy ang pagkain. Saka lang siya nakahinga nang maluwag nang mawala si Nick sa komedor. "May mga bagay lang na gusto kong paalalahanan ka, iha," ani Charles habang sabay silang tinatapos ang tanghalian. "Ano ho 'yun?" "Nick might be hard to deal with. Kailangan mo ng mahabang pasensya kung gusto mong magtagumpay ang pagsasama niyo." "S-susubukan ko ho..." "Dalawang linggo pa si Axel sa Europe. Tamang-tama na pag-uwi niya ay kasal na kayo ni Nick. Sana'y huwag mong baliin ang kasunduan natin anuman ang sabihin niya sa 'yo pagbalik niya." Marahan lang siyang tumango saka uminom ng tubig. Hindi si Axel ang iniisip niya ngayon kung hindi si Nicholas mismo. "Kakausapin niyo na ho ba si Nick pagkatapos nito?" "Napagpasyahan kong ipagpaliban muna, iha. Malalaman ni Nicholas na ikakasal siya sa 'yo pagkabalik niyo galing sa Maynila." Isang pilit na ngiti ang pinakawalan niya. "Ibabangga ho ba niya ang kotse bukas pagkasakay ko kung sakaling malaman niyang ikakasal kami sa susunod na linggo?" mapait niyang biro. Hindi niya alam kung bakit siya madidismaya kung tatanggi si Nicholas na pakasalan siya. Tama naman talaga ang tumanggi ito. "Flirt with him, Camilla." Napatitig siya sa matanda sa utos nito. "Nicholas had not been in a s*xual relationship for a long time. It will be a good start for both of you." Napanganga siya sa tinuran ng matanda. Ni sa hinagap ay hindi niya naisip iyon. Kahit kay Axel ay hindi niya iyon ginawa dahil ayaw niyang umabot sila sa puntong kukunin ni Axel ang p*gkababae niya hindi pa man sila kasal. "Paano ho kung... tumanggi sa inyo mismo si Nicholas na pakasalan ako?" "Then it is your job to convince him. Kung kinakailangang maghubad ka sa harapan niya ay gawin mo dahil may kasunduan na tayo." Tumayo na ang matanda para iwanan na rin siya sa komedor. Tapos na rin naman siyang kumain. Wala sa sarili na napainom siyang muli ng tubig habang iniisip kung paano ba aakitin ang isang Nicholas Esquivel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD