Chapter 3

2348 Words
Ipinatawag siya ni Charles sa hapunan. Mag-isa lang ang matanda sa komedor na may labindalawahang silya yata sa haba. Hindi niya maintindihan kung bakit gusto ng mayayaman ang ganito kalaking bahay kung iilan lang naman ang nakatira. Gusto rin naman niya ang yumaman at magkaroon ng magandang bahay, pero hindi ganito kalaki na halos hindi na nagkikita ang mga nakatira lalo na kapag abala sa trabaho. Totoong gusto niyang yumaman. Nang maging kasintahan niya si Axel ay kasama na sa plano niya ang magkaroon ng disente at malaki-laking bahay. Yung may apat na silid siguro, may garahe, at kahit maliit na garden. Pero hindi naman isang mansyon na isang kwarto pa lang ay mas malaki pa kaysa sa apartment na nirerentahan nila ngayon ng Mama niya. "Have a seat, Miss Camilla. Wala si Nick at tiyak na mag-uumaga na 'yun makakauwi." Kahit paano ay nakahinga siya nang maluwag. Totoong gutom na siya dahil ang huling kain niya ay kanina pang alas onse. Ngayon ay halos alas otso na ng gabi. Kung makakasalo niya ang supladong kapatid ni Axel ay hindi rin siya makakakain nang maayos. Nagsimula siyang kumain habang abala pa ang ilang katulong na magdagdag ng niluto sa mesa. "What do you do for a living?" "I just graduated in College last month, s-sir. May mga nag-a-alok ng trabaho pero may mga inaasikaso lang ako pansamantala." Nauutal siya kapag iniisip kung ano ang dapat itawag sa ama ng boyfriend. Kung tutuusin ay masyadong pormal ang 'sir'. Pero mahirap namang Uncle o Tito ang tinawag niya dahil hindi pa siya tanggap ng mga ito. "Where did you meet my son?" "I used to work at AE Wines Co. as one of his clerks." "Hmmm... Is that so? Do you think you know my son very well?" "Naniniwala naman ho ako na malinis ang intensyon sa akin ni Axel." Pinilit niyang ngumiti. Hindi man sila madalas nagkakasama ng kasintahan, alam niyang abala lang ito sa trabaho. Lagi nitong sinasabi na hindi biro ang maging isang CEO ng malaking kumpanya. "Then, why he didn't tell you he left for Europe with another woman?" Napatitig siya sa matanda, inaarok kung nagbibiro ba ito. "N-nasa Europe ho si Axel ngayon?!" "He is. And take note, ang pagkakaalam ko ay girlfriend niya ang kasama niya ngayon kahit pa kung tutuusin ay mali dahil may asawa siyang iniwan sa bayang ito." "Asawa?!" Hindi na yata matapos-tapos ang mga balitang ipinagtatapat ng ama ni Axel. "Tell me now that you know my son very well. Are you two living in the same house?" Hindi siya ulit nakasubo ng pagkain sa pagkabigla. Para siyang tinakam pagkatapos ay binigyan ng bomba sa harap para hindi rin makakain. Alam niyang maaaring hindi siya magustuhan ng mga kamag-anak ni Axel dahil mahirap lang siya kumpara sa yaman ng mga Esquivel. Pero hindi gagawa ng kwento ang ama nito para itaboy siya. Kung sinabi nito kanina na may-asawa si Axel, malamang ay totoo. Pagkatapos ay ibang babae pa ang kasama nito ngayon sa Europe? "Tulad ho ng sinabi ko, hindi ho kami magkalaguyo ng anak niyo." "Hindi sa sinisiraan ko ang anak ko sa 'yo, Camilla. Bagama't ikaw ang kauna-unahang babae na tumuntong sa bahay na 'to bukod sa asawa niya, hindi nangangahulugan na seseryosohin ka niya. I've already sent numerous messages to my son, I haven't received any reply. Sa tingin mo ba ay lilipad siya mula sa Paris dahil nalaman niyang nandito ka?" Tama. Hindi naman uuwi si Axel kahit pa malaman na nasa mansyon siya ng mga Esquivel. At kung totoo na may asawa ito at may ibang babaeng nilalandi, natitiyak niyang hindi rin magugustuhan ni Axel na puntahan niya ito at makilala ang ama nito. Mabubuking lang na sadyang nagtataksil ito sa asawa. Pero nasaan ang asawa nito?" "His wife lives next to this property. Apparently, Axel didn't want to fix their marriage with his wife. I don't know why." Gusto niyang umiyak sa mga oras na 'yun dahil sa maraming dahilan. Napasakay siya ni Axel. Pero kung nagsinungaling si Axel sa kanya sa totoo nitong pagkatao, saka niya na iisipin. Kahit masakit ang lahat, ang mas malaking suliranin niya ngayon ay ang kalagayan ng Mama niya. Naglahong lahat ng pag-asang tinatanaw niya kay Axel dahil sa mga ipinagtapat ng ama nito. "If you're not pregnant, can you tell me why are you here, Miss Camilla?" Tuluyang nalaglag ang luha niya sa kawalan ng solusyon sa problema niya. Hindi niya alam kung dapat pa ba niyang sabihin ang kalagayan ng Mama niya kung wala naman siyang malinaw na relasyon kay Axel ngayon. "Hindi na ho siguro pa kailangang sabihin, Mr. Esquivel. Baka puwede na lang ho na magpahatid sa b****a ng hacienda bukas para makapunta ako sa bus station." "Kung pera ang suliranin mo'y bakit hindi mo sabihin? I can offer you a job you might consider." "W-what job?" "Maraming trabaho na maaari mong pasukan dito sa hacienda, Camilla." Mabilis siyang umiling. "Hindi ho ako puwedeng magtagal dito. Nakiusap lang ho ako sa isang kapitbahay na bantayan si Mama sa ospital." Gusto pa sana niyang maglihim pero gusto na rin niyang sabihin ang dahilan kung bakit bigla-bigla na lang siyang sumulpot dito sa hacienda kahit walang pahintulot ni Axel. Hindi niya gustong isipin ng matanda na may balak siyang pikutin ang anak nito o ano pa man. "Nasa ospital ang Mama mo?" "Oho... May sakit ho siya sa puso at kailangan nang ma-operahan." "At inaasahan mong tutulungan ka ni Axel sa bagay na 'yan, ganoon ba?" "H-hihingi lang sana ng kaunting tulong dahil wala naman ho kaming sapat na pera para sa operasyon..." unti-unting nawala ang kompyansa niya sa sarili. "Wala naman ho akong balak huthutan ang anak niyo. Kahit ho magbayad ako habangbuhay, maisalba ko lang ang buhay ng Mama ko." "How much do you need?" "H-hindi ko na ho siguro kailangang abalahin pa kayo sa suliranin ko. At tungkol naman ho sa pagkakaroon ng asawa ni Axel, maniwala ho kayo na hindi ko ho alam. Hindi niya sinabi sa 'kin." "I dont' know if you're telling the truth. Maaari mo bang ibigay ang pangalan ng ospital kung saan naka-confine ang Mama mo?" Hindi niya gustong isipin na iniinsulto nito ang katapatan niya. Hindi niya ugali ang magsinungaling at humabi ng kwento para makakuha ng pera. Kung siya ang masusunod ay hindi siya magtatapat ng kahit ano man at aalis na lang sa lugar na iyon. Pero sa kalagayan nilang mag-ina ngayon ay wala naman siyang ibang pagpipilian. Kung tinanong ng matanda kanina kung magkano ang kailangan niya, baka may intensyon itong tulungan siya. Sa Saint Lourdes Hospital ho sa Maynila. Ang sabi ho ng doktor ay kailangan niya nang isalang sa operasyon sa lalong madaling panahon." "I'll see what I can do, Camilla. Gagawin mo ba ang lahat alang-alang sa Mama mo?" Parang nakini-kinita niya na ang kasunod nitong sasabihin. Aalukin siya ng matanda ng malaking pera kapalit ang p********e niya. Ang sabi ni Axel ay matagal nang wala ang Mama nito dahil maaga itong kinuha ng Poong Maykapal. At kahit may tungkod na ang Papa ni Axel, tiyak niyang kaya pa nitong mag-asawa kahit tatlong babae na kasingbata niya. Ang tanong, kaya ba niyang pumatol dito alang-alang sa kaligtasan ng Mama niya? "Magpahinga ka at huwag mo nang isipin ang kalagayan ng Mama mo," ani Charles Esquivel nang matapos silang maghapunan. "Ibigay mo ang buong pangalan at numero ng silid niya sa ospital. May mga tao akong mag-aayos para maisalang na siya sa operasyon. Iyon ay kung nagsasabi ka ng totoo." Nagulat siya sa mabilisang desisyon ng matanda na tulungan siya sa problema niya. Ni hindi pa siya nakakasagot sa sarili kung kaya ba niyang gawin kung anuman ang gusto nitong ipagawa. "A-ano ho ang kapalit?" "Malalaman mo bukas, iha." Nalito siya sa biglang pag-iba ng ikinikilos ng ama ni Axel. Kung kanina ay para siyang babaeng mababa ang uri na hahabol-habol sa anak nito, ngayon ay nawala nang kaunti ang pormalidad. Narinig din niya sa katulong na inuutusan itong ibigay ang pangangailangan niya. Muli siyang iginiya ng katulong sa silid niya at binigyan ng roba at ipinaliwanag ang bahagi ng mansyon na tila ba siya isang importanteng bisita. Hindi naman siya makatulog dahil sa pag-aalala sa Mama niya at ang relasyon nila ni Axel sa mahabang panahon. Kaya pala ni minsan ay hindi siya nito ipinakilala sa mga kaibigan. Ni hindi rin niya kilala ang mga kamag-anak nito o ang madala man lang siya dito sa La Union sa loob ng mahigit isang taon nilang magkasintahan. Kung bakit nakaligtas nang ganoon si Axel ay hindi niya alam. Masyado siyang nagtiwala. Kinabukasan ay maaga siyang nagising sa kabila nang ilang oras lang na tulog. Wala ang ama ni Charles sa komedor, o sa sala. Alas sais pa lang naman ng umaga. Baka tulog pa ang matanda. Itinuro sa kanya ng katulong kung saan siya pwedeng magtimpla ng kape. Abala ang lahat sa pag-aasikaso sa hardin, paghahanda ng almusal, at kung ano pang gawain sa malaking bahay na 'yun. Siya ay tahimik lang na nagtimpla ng kape. Pag-ikot niya para umupo sa mesa ay bumangga ang tasang hawak niya sa matipunong dibdib ng lalaki na napasigaw pa dahil sa init niyon. "Holy sh*t!" "I'm sorry, I'm sorry..." Hindi niya alam kung paano hihingi ng paumanhin kay Nick. Gusto niyang punasan ang damit nito pero agad umiwas ang lalaki nang madama niya ang dibdib nito. "Stop!" awtorisado nitong wika saka nagmadaling tumalikod at iniwan siya sa komedor. Hiyang-hiya naman siya sa nangyari kahit pa hindi naman niya sinasadya. Tiyak niyang lalong hindi ito magiging friendly sa kanya. At lalo na kapag nalaman nitong balak ng Papa nito na patulan siya kapalit ng operasyon ng Mama niya. Napasandal siya sa silya at ipinikit ang mga mata. Nasa gitna siya ng suliranin ngayon na wala siyang kakayahang mag-isip nang tama. Hiniling niya sa Diyos na mabigyan man lang siya ng pagkakataon na maisalba ang Mama niya nang hindi niya kailangang ibenta ang sarili. Nag-almusal siyang mag-isa dahil naglalakad daw sa bukid si Charles Esquivel kapag umaga bilang exercise. Nang matapos siyang kumain ay bumalik siya sa silid dahil wala naman siyang ibang puwedeng gawin. Tinawagan niya ang bantay ng Mama niya at kinumusta ang kalagayan ng ina. "Naku, Camilla, inaayos na ng mga doktor ang schedule niya dahil bukas ay ooperahan na isya." "Ho? Pero wala pa ho akong naihahandang pera," agad niyang pagtutol. "Akala ko sa pamilya ng boyfriend mo galing 'yung perang iniabot sa Mama mo nung isang lalaki. Eh ang sabi galing daw siya sa mansyon ng mga Esquivel." "Sino hong lalaki?" "Arman daw ang pangalan niya. Boss daw niya si Axel, pero si Charles daw ang nag-utos sa kanya na asikasuhin ang lahat ng kailangan ng Mama mo, pinansiyal man o sa ibang bagay. Kumusta ang pagkikita nyo ni Axel?" Kilala na rin kasi ng mga kapitbahay si Axel dahil madalas niyang ikinukwento ang kasintahan sa mga ito. Pero ngayon ay si Charles ang tumutulong sa kanya, hindi si Axel. Sinisiguro talaga nito na papayag siya sa ibibigay na kundisyon kapag nagkausap silang muli. Tuso pala ang ama ni Axel. Alas nueve na nang akyatin siya ulit ng katulong sa silid dahil ipinapatawag daw siya ni Don Charles sa library. Nanginginig na ang kamay niya habang iniisip kung ano ang dapat niyang maging desisyon. Charles wasn't eve half her age. Paano niya masisikmura na makasama ito araw-araw kung sakali man? Pagdating sa library ay pormal ang mukha ng matanda na sandali lang siyang tiningnan. Katatapos lang nitong makipag-usap sa telepono. "I found out that you're telling the truth. Ang sabi ng tauhan ko, isa hanggang dalawang linggo pa oobserbahan ang Mama mo sa loob ng ospital pagkatapos ng operasyon." "Bakit niyo ho ginagawa ang pagtulong sa akin?" lakas loob niyang tanong. "Ano ho ang kapalit?" "Have a seat first, Camilla. Sa palagay ko'y gusto mong tumakbo anumang oras." Totoong natatakot siya sa magiging kapalit ng lahat ng pagtulong ng matanda sa kanya. Hindi ganitong mga scenario ang inaasahan niyang dadatnan nang magpasyang magpunta dito para hanapin si Axel. Nabibigla pa siya sa lahat nang nangyayari ngayon pati na ang pagtataksil ng kasintahan sa kanya. Sinunod niya ang utos ng matanda lalo na't nanghihina na rin ang tuhod niya. Nakatingin siya sa pinto ng library na nakasara. Anumang oras ay kaya niya iyong takbuhin. "Pakisagot ho ang tanong ko. Ano ho ang kapalit ng pagtulong niyo sa akin ngayon?" Pinilit niyang ipakita ang tapang kahit naroon ang takot sa dibdib niya. "I want you to marry my son." "Pero ang sabi niyo ay kasal na si Axel sa ibang babae?" "I am not referring to Axel. I want you to marry my son, Nicholas." "Ho?!" Totoong ikinagulat niya ang sinabi ni Charles. Kung kanina ay iniisip niyang itong matanda mismo ang pakakasalan niya, ngayon ay ang anak nitong suplado pala. Hindi niya alam kung dapat ba siyang matuwa o mainis. Si Nicholas na walang katamis-tamis sa katawan ang pakakasalan niya? "Imposibleng walang magustuhang babae ang isa niyo pang anak, sir," magalang niyang sagot. Kahit naman kasi ubod ito ng kasungitan sa katawan, hindi maitatanggi na gwapo ito at magandang lalaki. Sa katunayan, mas mataas ito nang kaunti kay Axel, mas moreno ang balat na mas nagbibigay ng appeal sa matipuno nitong katawan. Kahit ang paraan kung paano ito tumitig sa kanya ay nakakatunaw din ng tuhod. "Nicholas has no interest in marrying or entering into a relationship, Camilla. Sa tingin niya ay kaya niyang pamahalaan ang hacienda na ito nang siya lang. Iyong walang coflict of interest." "Then he must be right. Buhay naman ho niya 'yun. Karapatan niyang magdesisyon kung gusto niya ang mag-asawa o hindi." "Gusto mo pa bang matuloy ang operasyon ng Mama mo, Camilla?" Kumunot ang noo ng matanda sa iritasyon. Napilitan siyang tumango. Kapag nagkamali siya ng sagot ay isang tawag lang ng matanda sa hospital kung saan naroon ang Mama niya. Titigil ang lahat ng nasimulan na ng mga nurses at doktor. "S-sige ho... Pakakasalan ko ho si N-nick..." Bumara pa sa lalamunan niya ang pangalan ng binata.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD