FIRST ACQUAINTANCE
Chapter I
Kenji Akagishi AKA "Ken" is one of the popular man in his school, he's a guitarist in a band. A lot of girl in his school liked him so much, but no one catches his attention. He is the youngest and the most handsome member of the group. Apart from being popular and handsome, nobody knows what his relationship between him and his father been through. Though hi is studying in college Ken's behaviour is similar with a high school boy, he's the youngest brother of his three sisters "Kiyoko , Kohana and Kishi '' his sisters called him "Otōto" which basically means little brother. Their family is one of the richest families in japan. His father owns a multi million business and his sisters are also successful with their own career in life.
Dave is walking inside the school campus all by himself dalawang taon na siyang naninirahan sa japan doon na nagtatrabaho ang kanyang mga magulang, ang kanyang mama ay isang guro sa isang kindergarten school at ang kanyang papa naman ay nag ta-trabaho bilang isang construction worker. Doon na naisipan ng kanyang mga magulang na pag aralin si dave dahil siya ay nag iisang anak ng mag asawang "David at Arcella" kaya tila napakahigpit ng kanyang mga magulang. Pilit ng mga ito na ipasok si dave sa isa sa pinaka magandang unibersidad sa japan.
"Dave" tawag sa kanya ng kanyang kaibigan na si yuri. Tila hindi niya narinig na siya ay tinatawag at patuloy lamang sa paglalakad.
"David Ace Mendoza" pag tawag pa ulit sa kanya ng kaibigang si yuri.
"Nani yuri?" aniya sa kaibigang hapon
"haisst I am calling you for too long, can't you hear me?" nababagot na tugon naman ng kaibigan.
"I am so sorry yuri I am out of my mind" aniya
"why what's bothering you?" nakakunot no’ng tanong ng haponesa, tila napa isip naman si dave sa tanong ng kaibigan.
“Care to share?” ani yuri na talaga namang napapaisip.
"I saw that boy named Ken he's cute and he sings very well" nakangiting tugon niya sa kaibigan.
"What? that antagonist!" mayhalong pagtataka na sambit ni yuri sa kanya.
"You like him, don't you?" dugtong pa nito .
Lingid sa kaalaman ng nakararami si dave ay may tinatagong lihim, siya ay lalaki ngunit may pinaka tago-tago si dave na damdaming hindi niya maintindihan, Siya ay nahuhumaling din naman sa mga babae sobalit mas masaya siya sa isiping magkaroon ng lalaking kasintahan. Hindi lubos maisip ni dave kung ano ang sasabihin ng kanyang ama kapag malalaman nito ang kanyang tunay na pagkatao. Mahal ni dave ang kanyang mga magulang at alam din niya na masasaktan ang mga ito kapag nalaman nila na taliwas ang gusto niya sa mga ninanais nito higit na ang kanyang ama.
"NO WAY!" pagtatangi naman ni dave sa mga sinabi ni yuri.
"chill there is nothing wrong when you are gay" ani yuri. “I will never judge you” pagdugtong pa nito.
Si yuri ay isa sa masasabing pinaka malapit na kaibigan ni dave ngunit nag aalangan pa rin siyang sabihin ang kanyang tunay na pagkatao sa kaibigan. Natatakot siya na baka husgahan siya ng kaibigan kapag malaman nito ang kanyang secreto.
"paano ba to! pano kapag nalaman niyang bi s****l ako" ani dave sa kanyang sarili.
"No yuri I am not gay, actually I like you" aniya sa kaibigan at bakas sa mukha ni yuri ang pagka hiya at pulang pula na mga pisngi napatitig ito sa kanya sabay takbo sa malayo.
Walang ka alam alam si dave na may gusto talaga sa kanya ang dalaga dati pa peru nahihiya lamang itong mag tapat sa kanya.
"Yurriii where are you going?" pasigaw na sabi ni dave sa kaibigan.
"Yuri matte" sigaw ni Dave na ang ibig sabihin ay antayin siya
"Yuri Watashi o mattete kudasai" (Yuri wait for me)
"hay nako baliw talaga minsan yung mga hapon, biglang sumusulpot at bigla ding mawawala tsk!" inis na wika ni dave, makaalis na nga.
kringgg! kringgg! tunog na nagmula sa cellphone ni dave pagdukot niya ng kanyang telepono nakita niya ang pangalan ng ina sa screen ng cellphone
"Hello mama bakit po?" aniya sa ina sa kabilang linya
"Dave bago ka umuwi dito pwede bang bilhan mo muna ako ng dried seaweeds sheet sa store gagawa sana ako ng sushi naubusan tayo ng seaweeds anak" sabi ng inang may halong paglalambing.
"okay mama pauwi na nga ako buti naman at tumawag ka" ani david sa ina.
"sige nak mag ingat ka ha love you bye" lambing ng mama niya.
"I love you more ma”. tugon ni david.
Habang naglalakad si dave patungo sa gitna ng aisle ng may narinig siyang pamilyar na boses sa may bandang counter at muntik na itong ma tisod ng makita niyang si ken ang lalaki na cashier. Ken is working as a cashier though he is the son of a multi millionaire, he's still working because his father doesn't support all his music instruments and stuff.
"Hi ken" sabi ni audrey nay may malapad na ngiti sa labi isang half japanese at half american na babae. Maganda si Audrey singkit din ang mga asul na mata maputi at may maninipis na mga labi may kahabaan din ang blonde nitong buhok at makikita mo ang hubog ng balingkinitan nitong katawan.
"Nani?" tanong naman ng binatang si ken sa magandang dalaga
"Are you free on friday night?" ani audrey sa binata na mababakas ang excitement.
"No, why?" tipid na sagot naman ni ken sa dalaga.
"We are going out on friday night, do you wanna come?" sabay turo nito sa grupo ng kalalakihan at mga dalaga na ang iba ay kasamahan din ni ken sa banda na sina Hero at Trevor.
"No thanks, I'm busy" sabi ng binatang parang may pagka sarkastiko.
"Come on man!" sagot naman ni trevor isang amerikano niyang kaibigan na kasamahan niya sa banda.
"You never go out with us since Yanie left" sabi ni trevor na ang tinutukoy nito ay ang ex girlfriend ni ken na umalis papuntang Canada.
"will you please stop mentioning her name, and can you guys please go. This is a*****e not a park" sagot naman ni ken na inis na inis na sa mga kaibigan.
"Okay fine! that is the reason why you always left behind" ani trevor at sabay-alis
"lets go guys" pagsang-ayon naman ni audrey sa sinabi ni trevor .
“But if in case you will change your mind, you know where to find us”. Sabi ng dalaga at lumabas na ng pintuan ng store.
Habang pinapanood ni dave si ken di niya na na-mamalayang nakanganga na ang kanyang mga bibig at nahuhumaling sa mala suplado nitong mukha. Tila namamangha siya sa itsura nito, kinikilig pa siya sa mga mapupungay nitong mga mata at matatamis na mga ngiti ng lalaki.
"and you! what are you staring at?" pasigaw na sabi ni ken kay dave
"nothing" ani david na nagulat dito.
"ang suplado naman pala neto peru ang cute mo ah in fairness" sabi ni dave sa binata na nakangiti pa
"what did you say?" tanong ni ken na tila naguguluhan.
"Ahh wala, esti ! I mean nothing I said how much is this all?" kabadong sagot ni dave.
Kinuha naman ni ken lahat at inasikaso si dave.
Tinitigan lamang siya ng binatang cashier habang nag babalot ng mga pinamili niya
"Okay here's your change" ani ken sabay abot sa sukli ni dave.
"Gosh dumampi ang kamay niya sa kamay ko" pabulong na sabi ni dave sa sarili, nakangisi pa siya habang nakatitig dito.
"Thank you so" pagpapasalamat naman ni dave kay ken.
Habang naglalakad si dave malapit sa bahay nila hindi niya mapigilang ngumiti na para bang nag e-emagine siya at di nito namalayan na nakatitig na sa kanya ang kanyang amang si Mang David.
"Ooh anong nginingiti mo jan para kang timang" sabi ni mang david sa anak.
"Ahh w-wala tay naalala k-ko kasi yung kaklase kong si yuri" na-uutal na sagot ni dave.
"Bakit crush mo siya no" may halong pangangantiyaw nito sa anak.
"Oyyy arcella may crush na itong anak mo" sigaw na sabi naman ni mang david sa asawang si aling arcella.
"Naku! ayan ka nanaman david alam mo namang pag-aaral ang dahilan niyang anak mo kaya siya nandito diba" inis na tugon ng ginang.
"hayyy ano kaba naman syempre lalaki ang anak mo normal lang sa aming mga lalaki ang nagkakaroon ng crush ano gusto mo, lalaki magustuhan nitong anak mo" pangangatwiran ng ama sa ina nito. Biglang nabulunan si dave habang umiinom ng tubig dahil sa sinabi ng ama.
"tay ano ba naman wala pa yan sa isip ko hanggang paghanga lang muna ako, alam nyo naman na tatapusin ko mona tong pag aaral ko diba ang mahal kaya ng tuition dito" pangangatwiran naman ni dave sa magulang.
"Ooh kita muna david ikaw talaga” bulyaw ng ina nito sa kanyang ama.
“Sige na anak mag bihis kana muna at tatapusin ko lang tong niluto ko" bulyaw nd ginang sa awasa.
"sige po nay" pagsang ayon naman ni dave sa ina.
Habang nasa banyo, di maiwasang mapangiti si dave habang inaalala ang nangyari kanina. Nakikita niya pa rin sa isip niya ang maamong mukha ng binata.
“Haaaaaaayyyyyy!!!!” buntong hininga ni dave “kaylan kaya niya ako mapapansin” sabi pa niya sa sarili.
“Charooooooot ! walang ganon di nga ako kilala non seguro” pagwaksi ni dave sa lahat ng mga iniisip.
Tok! Tok! Tok! katok ng ina "david ace bat ang tagal mong buksan tong pinto?" pagtatanong ng ina
"Sorry nay nasa banyo kasi ako di ko kayo narinig" katwiran niya sa ina.
"Naku dave haa baka naman totoo ang sinasabi ng tatay mo at na nanaginip ka ng gising, pa-pauwiin talaga kita sa pinas" mayhalong inis na sabi ng ina.
"Nayyy naman diba sabi ko naman magtatapos muna ako, at kung meron man wag ka mag alala di ako gagawa ng masama" paglalambing ni dave sa ina na parang batang paslit inaamoy pa nito ang kilikili ng mama niya.
"kasi lalaki gusto ko" sabi naman ng kanyang utak.
"oh siya hali kana at kakain na tayo" tugon naman ng huli.
Nag lalakad si Ken papasok ng paaralan ng makita niya sina audrey kasama ang grupo ng mga kalalakihan na mga kasamahan din lamang niya sa banda. May isang lalaking dumaan sa harap at pinagtatawanan nila ito dahil sa malaking salamin at mahinhin nitong pag lakad.
"So you're gay" tawang tawa na sabi ni audrey kay dave.
"Huh? No I'm not! who told you that?" aligagang pagsagot naman ni dave kay audrey.
"She told me" ani audrey sabay turo kay yuri na naka masid lamang sa gilid.
Si yuri at audrey ay magkapatid peru ibang-iba si audrey sa kapatid. Si yuri ay mahinhin at mabait samantalang si Audrey ay ubod ng warfreak at maldita.
Matagal ng naiinis si audrey kay dave, ayaw nitong isang kagaya lamang ni dave ang maging kaibigan ng kapatid kung kaya't lagi siyang gumagawa ng dahilan para mag away ang dalawa. Tingin kasi ni audrey nasa lower class si dave dahil sa hindi ito isang local kagaya nila at hindi nito deserve ang maging kaibigan ni yuri.
Oo tama kayo sa isipin, nasa college na sila peru makitid at isip bata pa din ang isip ng ibang estudyante kagaya na nga nila audrey at ang g**g nito.
"No I did not, don’t lie audrey” pangangatwiran naman ni yuri sa kapatid.
"I told you yuri, I like you so how could I be gay?" sabi ni dave na bakas ang galit sa pagmumukha.
"HAHAHAHA how pathetic, you don't like me yuri because you wanted to date a gay?" ani hero na kaibigan din nila audrey.
"And who are you to insult me?" pabulyaw na sagot naman ni dave.
"Hey bro! let's go, we’re gonna be late" ani ken sa likod ni dave.
Nagulantang na lamang si dave ng marinig niya si ken sa likod na nagsasalita.
"M-me?" ani dave na may halong kaba sa mga boses.
"Yes you! Did you forgot we need to go early" sagot pa ni ken sabay erap ng mga mata kay dave.
Tila naiintindihan naman ni dave ang ibig sabihin ni ken "ahh yes I forgot sorry" pag sang ayon naman ni dave nakikisabay na lamang sya kahit na ang totoo ay wala siyang ka alam alam sa mga trip nitong si ken.
Kakausapin pa sana siya ni yuri ng bigla na lang siyang hinila ni ken papalyo. Nasa likod na sila ng paaralan ng bigla naman siyang bitawan ni ken.
"What is that for?" tanong ni dave sa kaharap na si Ken na medyo nag hihingal sa paglalakad ng mabilisan.
"I mean, why do you have to save me?" sunod pang tanong ni dave sa binata.
"Is that how you thank someone who saved your a*s?" pang iinis naman sa kanya ni Ken.
"I never asked any help from anyone" Pagtataray na sagot naman ni dave sa kaharap na naka pamewang pa.
"Ooh really?" sabay hablot ni Ken sa biwang ni dave.
Nasa sistema sila ng pag ti-titigan na dalawa walang may nagsasalita pareho silang napako sa kasalukuyang sitwasyon. Lumalakas ang t***k ng puso ng bawat isa, ramdam nila ang bawat paghinga at pintig ng puso. Inilapit naman ni ken ang kanyang mukha sa mga mukha ni dave, sobrang lapit na amoy na ni dave ang bawat paghinga ng binata. Biglang napasinghap si ken sabay bitaw sa mga biwang ni dave. Palinga Linga naman si dave sa paligid ayaw nito na may maka kita sa kanila sa ganoon sitwasyon. Hindi mawari ni dave peru parang nanghihina na ang kanyang mga tuhod.
"You owe me one David Ace" sabi ni ken sabay talikod.
"Heyy! what do you mean" sigaw naman ni dave sa nakalayo ng si ken.
"One day, you need to pay me back" pa sigaw na sagot din ni ken sa kanya.
Napakagat labi na lamang si dave sa mga nangyari, Nakaupo si dave sa cafeteria ng school nila ng biglang may tumapik sa balikat niya.
"Hey gorgeous, what's with the smile" Panunukso na sambit naman ng dalagang si hazel.
si hazel ay ang pinakamatalik na kaibigan ni dave, isa din itong pinay na nag aaral sa paaralan na pinapasukan ni dave sa bansang Japan. Si hazel lamang ang nakakaalam sa tunay niyang pagkatao ng minsang ma hiram ni hazel ang cellphone ni dave at di sinasadyang nakitang nakikipag-usap ito sa mga lalaki at may mga sweet messages pa. Kaya napa amin ni hazel si dave sa tunay na kulay nito at nangako silang itatago nila ito bilang sikreto.
Wala naman ditong problema si dave, sa katunayan ay si hazel lamang ang kanyang mapagkakatiwalaan. Panatag naman si dave sa dalaga, sa katunayan may mga secreto din naman si hazel na si dave lang din ang nakakaalam. Higit pa sa mag best friends and turingan nila sa isa't isa.
"Hay! Thank you Lord, meron na din akong matinong makakausap" nakangiting sabi ni dave.
"Echooos! para namang puro abnoy mga tao dito" Pagbibiro ni hazel sa kaibigan.
"HAHAHAHAHA parang ganun na nga!!" ani dave sabay halakhak ng tawa.
“Okay so ano na nga ang latest chika?” nasasabik naman na tanong ng dalaga. “Ano pinansin ka na ba ng kenji love of your life mo?” pangu udyok pa nito sa kanya.
“Ano? Yung lalaking yon? Napaka suplado naman ng lalaking yon” pag iwas ni dave sa mga tanong ng kaibigan.
“Ahhh talaga ba? Kaya pala lupaypay at paos ka kaka sigaw sa kanya nong cultural night” pang iinis ni hazel sa kanya. “Gusto mo e demo ko pa. Go kenji! kenji the love of my life” sinusunod pa ng dalaga pati ang pag giwang-giwang ng lasing na si dave noong mismong araw na yon, tawang tawa naman si dave sa itsura ng kaibigan.
Bigla na lang nag flash back sa isip ni dave ang mga nangyari noong cultural night nila, nasa itaas ng stage si ken kasama ang banda niya at tumutogtog ng gitara.
“WOooooohhh Go Kenji! Kenji the love of my life” sigaw ni ng lasing ng si dave.
Pinag sasabunot naman siya ni hazel dahil sa ginagawa, alam kasi ng dalaga na wala pang nakakaalam sa tunay na pagkatao ni dave kung kaya ganun na lamang ang kanyang pagka bahala.
“Dave bunganga mo, baka may nakakakilala sayo” pag-aalala ni hazel sa kanya.
“Wala akong pakialam, in japanese watashi wa kinishinai” pasigaw na turan ni dave. Lango siya sa alak ng mga oras na iyon kaya wala siyang alam sa mga sinasabi. Nagsasayaw pa ito na pagiwang-giwang kahit na maraming paa na siyang natatapakan. Wala na din nagawa si hazel kundi ang mag enjoy na din lang kasabay niya.
“Hoooyy! Kita mo nag eemagine ka nanaman ano” Biglang tapik naman sa kanya ni hazel.
Natatawa naman si dave sa mga iniisip niya.
Naglalakad na sina dave at hazel sa labas ng kanilang school, napag isipan ng dalawa na mag mall muna kahit wala naman talaga silang pera nagtatawanan pa silang dalawa at nagkukurutan.
“David Jr” Napatingin naman sila sa likod ng biglang may tumawag kay dave. Si mathew ito ang pinsan niya na nasa japan din nagtatrabaho. Magkapatid ang kanilang mga ina, sa katunayan ina ni mathew ang tumulong sa mama ni dave na makapag trabaho ang mag asawa sa japan. Isa sa mga nangangasiwa sa kindergarten itong mama ni mathew at guro naman ang mama ni dave.
“Ohh bakit matias” balik biro na tugon naman ni dave sa pinsan.
“Pinapasabi ni mama na dumaan ka daw don sa bahay pag may oras ka, namimiss na daw niya ang baby girl niya” nakangisi pa’ng sabi ng pinsan.
“Tse ! Alis kana nga dito, oo pupunta ako bukas na” pagtataboy niya sa binata.
Matagal na siyang binibiro ng pinsan dahil sa napupuna din nito ang pagiging malambot niya minsan. Magkasama din kasi silang lumaki kaya alam din nila ang ugali ng bawat isa na para bang magkapatid na ang turingan nila. Pero kahit ganun pa man mataas ang respeto ng pinsan niya sa kanya kaya kahit dama na nito ang pagiging malambot niya minsan ay hinahayaan na lamang siya nito.
“HAHAHA” natatawa na lamang si mathew na sumakay pabalik sa motor nito, tumingin naman ito kay hazel at kumindat"
“Ow My God, Pakisampal nga ako very lil” sambit naman ng dalagang si audrey sa kanya.
Matagal ng alam ni dave crush ni audrey ang kanyang pinsan na si mathew, nakilala ni audrey si mathew ng dumalo ito sa birthday ni dave sa bahay lamang nila at konting salo-salo lang ang ginawa nila kasama ang mga kaibigan at kamag-anak ng pamilya ni dave. Nagkakilala sina mathew at audrey at hindi inaasahan ni dave na magkakagusto ang anyang kaibigan sa pinsan. Ngunit mag mula noon ay na humaling na si audrey sa mala bad boy look nitong si mathew. Well hindi din naman niya masisisi ang best friend niya dahil gwapo naman talaga ang kanyang pinsan oo it runs through their blood kasi kahit naman siya ay may itsura din. Peru may isa pang ikinakabahala itong si dave ayaw din naman niya na masaktan ang bff niya, likas din kasing babaero ang pinsan niyang yon.
“Teka bakit very lil lang? Ayaw mo bang lakasan ko na para naman magising ka” ani dave na naiirita na sa biglang pagiging OA nitong si audrey.
“Tse! Alam mo kung hindi ko lang talaga alam na ikaw ay kabilang sa mga bahaghari iisipin ko talaga na may gusto ka sakin.” pang iinis pa ni audrey sa kaibigan.
“Audrey alam mo naman na diba kong anong klaseng lalaki yang pinsan ko, syempre concern lang din naman ako sayo. Ayoko na nasasaktan ka” pangangatwiran naman ni dave sa kaibigan.
“Awwwww ganon mo talaga ako ka love” nakangisi na bigkas naman ni audrey sa kanya.
“Oo naman syempre, you’re not just my bff you’re my sister too kaya ayoko na nasasaktan ka”. Pagsang-ayon ni dave sa kaibigan.
“Peru kahit na no! Everyone deserves second chances!” nagpapacute pang tugon ni audrey sa kanya.
“PAK!” pagbabatok ni dave sa kaibigan.
“ARAY!!!” hiyaw naman ni audrey.
“Alam mo matalino ka sana eh, kaso tatanga-tanga ka naman sa pag-ibig. Bahala sa sa buhay mo hindi na talaga kita kakausapin kapag nakipag jowa ka don” pa bulyaw na sambit ni dave sa kaibigan.
“He! Diyan ka na nga” inis na tugon ni dave kay audrey.
“Hoyyy!! HAHAHAHA baka lang naman maka lusot. Waiiiitttt ” natatawa pang sigaw ni audrey.
Friday night, nasa bar na naman si ken, nakaupo lamang ito sa isang sulok ng isang private room na pagmamay-ari ng pamilya ng matalik niyang kaibigan na si “Asahi” o mas tinatawag niya sa palayaw na “sai”. Ganun na ganun palagi ang gawain ni ken lalo na kung alam niyang wala naman pasok kinabukasan. Mas gugustuhin pa niya na mag pagkalunod sa alak kesa umuwi at makipag away sa ama, pinagbuhatan nadin kasi siya nito ng mga kamay kaya mas minamabuti niya na umuwi ng lasing. Nagiging manhid na din kasi si ken kapag lasing na ito wala na siyang nararamdaman sa kahit ano mang sakit.
Dating mabait at masunurin na bata si ken sa kanyang mga magulang, peru sa mga ito mas malapit ang loob ni ken sa ina. Palagi kasing wala ang kanyang papa kong kaya’y mama niya palagi ang nakakasama niya kahit na sa paglalaro. Bigla na lang nagbago ang pakikitungo ni ken sa lahat ng mawala ang kanyang pinakamamahal na ina dalawang taon na ang nakalipas. Na aksidenti ito ng ma bonggo ang sinasakyan ng isang truck, isang gabi naka tanggap na lamang ang kanyang ate kiyoko ng tawag galing sa isang local hospital. Ibinalita sa kanila ng doctor na dead on arrival na ang mama nila, halos gumuho ang buhay ni ken sa mga nabalitaan.
Sobra ang galit na nadarama ni ken sa kanyang ama dahil alam nito na dahil sa pagaaway nila sa babae kaya na hantong sa ganong sitwasyon ang mama niya. Narinig kasi lahat ni ken ang pagaaway ng mga ito, uuwi sana an kanyang mama sa bahay ng mga magulang para magpalamig ng ulo gustong gusto niya sumama dito kaso wala tila para itong bingi na lumabas na ng bahay.
“mama , issho ni ika sete kudasai (mama please hayaan mo akong sumama sa iyo)” iyak batang si ken sa ina ”
“No ken, you stay!” sigaw naman ng ama nito.
Biga na lamang si ken nahinto sa pag iisip ng may nag salita sa likuran niya.
“Hi ken, I thought you are busy” pabirong sambit ni audrey sa binata. “Come let’s go drink” aya pa nito na hindi naman pinapansin ni ken.
“Ken!” hinila pa siya sa mga kamay ng babae na tumayo.
“Don’t you dare touch me audrey, I wasn’t here because of you! I am here cause I want to enjoy my life. So leave me ALONE!” pasigaw na sabi ni ken sa babae.
“Ken I just want” hindi na natapos ni audrey ang sasabihin sana nito dahil napasigaw na naman si ken na sa kasalukuyan ay may tama na ng alak.
“I said LEAVE!!” sigaw ng binata na dinig pa sa loob ng kanilang private room.
Umiiyak naman na tumakbo ang dalaga, palabas ng room nila.
“Audrey wait” sigaw ni naman ni hero na kanina pa nakatingin sa kanila sinundan na lamang nito ang dalaga.
“What the hell is wrong with you?” paninigaw naman ni trevor sa kanya na sinabayan pa nito ng pag tulak sa kanya, kagaya niya ay lasing na din ito.
“HAHAHA so the superhero of the group” sarkastikong tugon ni ken sa binata. “Why?, you didn’t teach your baby how to be a Harley Queen ? She is so weak, so are you.” pang iinsulto ni ken sa lalaki dahilan kaya nasapak siya nito at napahandusay siya sa sahig.
“Yes I know, what she did with you and yanie wasn’t right, but that doesn’t give you the right either to treat her that way” puno ng galit na sigaw ni trevor sa kanya.
“One more ken, just one more time of humiliating her and you will see, I will put you to the place where you should belong.” pagkasabi ni trevor ay agad naman itong lumabas para sundan si audrey.
Nasapo naman ni ken ang kanyang duguan labi, pinahidan niya ito gamit ang kamay sabay dura sa sahig ng dugo galing sa natamong suntok sa kaibigan.
Kahit isang taon na din ang nakalipas ng naghiwalay sila ni yanie at wala na din naman siyang nararamdaman sa dalaga e mainit pa din ang dugo nito kay audrey. Si audrey kasi ang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay, nasa parehong bar sila noon a year ago ng nag eskandalo si yanie na kanyang ex girlfriend at si audrey.
Naaktohan kasi sila ng dalaga na nag hahalikan, hindi alam noon ni ken na si audrey pala ang kahalikan niya. Sobra siyang lasing ng mga panahon na iyon at wala siyang ka alam-alam sa mga nangyayari, bigla na lamang siyang nakaramdam ng isang malakas na sampal sa kanyang pisngi galing sa kasintahang si yanie. Gulat na gulat noon si ken dahil sa pag-aakalang si yanie ang kanyang hinahalikan, doon lang niya napagtanto na si audrey pala at hindi si yanie ang babaeng kanyanng pinag-nanasaan.
Nag explain naman si ken ngunit huli na ang lahat, hindi matanggap ng babae ang mga nangyari dahil matalik niyang kaibigan si audrey. Umiwas na lamang si yanie sa g**o at umalis na lamang siya kinabukasan, na laman na lamang niya na umalis na ito papuntang ibang bansa. Hindi din naman niya ito masundan ng dahil naka hold ang passport niya sa kanyang ama, walang ibang nagawa si ken kundi ang magalit ng husto kay audrey. Simula noon umiwas na si ken sa dalagang si audrey, mas ninais niyang maginom dahil sa lahat ng nangyari. Feeling ni ken e malas siya dahil sa lahat ng bagay na nangyari sa kanya at sa pamilya niya, kung kaya’y inom at banda ang kanyang naging libangan na ayaw na ayaw naman ng kanyang ama. Hindi nito supportado ang kanyang mga gusto kahit na sa bahay nila ay pinagbabawalan siya gumamit ng gitara o kahit na anong instrumentong nanaisin ni ken. Ang gusto nito ay mag-aral ang anak sa isang business school kaya ng tumanggi si ken sa gusto nito lahat na lang ng gusto niya ay bawal para sa ama.
Kasalukuyan ng nakasakay si ken sa kanyang sasakyan, pauwi na siya ng bahay nila ng bigla naman pumasok sa isip niya si dave. Napaisip at napangiti na lang si ken sa mga nangyari kanina sa school, natatawa siya ng makita na namumula ang mukha ni dave kakatitig sa kanya. Hindi niya lubos maisip kung bakit gano’n na lamang ang kanyang pagbibigay halaga sa binata, naguguluhan man isa lang ang nasa isip ni ken na lalaki siya at hindi na yon magbabago.
“Hayyyy! No! This is insane” pagwawaksi niya sa mga iniisip.
Nasa labas na ng gate ng bahay si ken ng makita niyang may mga tao sa bakuran ng mansion nila. Napangiti na siya alam niya kasi na ipapahiya na naman siya ng kanyang ama. Pagbaba ng sasakyan casual lang na naglalakad si ken papunta sa loob ng mansion ng bigla na lamang siyang hinila ng ama sa may kwelyo patungo sa isang sulok.
“Anata, dōshite konnani osoku kaettekita no? (you, why did you come home this late? )” pasigaw na wika ng ama na halos lahat ng mga tao ay sa kanila lang nakatingin.
“Nande ki ni suru no?( Why do you care? )” sabat naman ni ken sa isang sarkastikong tono.
Nasa akto na sasampalin na sana siya ng ama ng hinarangan ito ng kanyang nakakatandang kapatid na si Kiyoko.
“Papa we have investors here today, I know that you are the boss but it’s not worth it to shame yourself in front of everybody” sambit ng ate niya sa pinakama-hinahong boses
“Listen, you must be thankful we have visitors today. I’ll see you tomorrow! Ima iku (go now)” mahinahon na tugon naman sa kanya ng ama.
"And what happened to your face?" tanong sa kanya ng ate kishi niya habang nag lalakad
Nakita nito ang pamamaga ng kanyang mga labi ng malagpasan niya ito sa hagdanan.
“Come here let me see” pagsuyo pa ng kanyang ate
Sa kanilang magkakapatid ito lang ata ang may concern sa kanya.
“You got into a fight?" Nababahala na tanong ng ate niya
“Ken, please take good care of yourself, I don’t like it when you got into trouble” kita sa mukha ng ate niya ang pag aalala sa kapatid.
“Okay! , can I go ?” Eritado niyang sagot sa kapatid.
ayaw niya na parang bata ang turing nito sa kanya.
Ng makaakyat na si kenji sa kanyang silid di niya maiwasang mainis sa trato ng ama at mga kapatid.
“Huh! What am I, a ten year old boy?” natatawa si ken sa naisip niya na iyon.
Napako ang kanyang tingin sa imahe ng ina sa isang sulok.
“Mama I told you before when you left, I wanna come with you, I should’ve gone with you” sabi ni ken kasabay ng pagpatak ng luha galing sa kanyang mga mata. Nahiga na lamang si ken at pinikit ang mga mata pinipilit niya ang sariling makatulog dahil sa mga oras na iyon masyado na siyang nasasaktan.