Dumating ang final exams at halos lahat ng studyante sa campus aligaga at may hawak na reviewers. Buong week ang final exam at sa loob ng isang araw isa o dalawa lang ang pwede mong e take which is good dahil hindi mo kailangan ma pressure bawat subject.
Uuwi na ako next week kina Lola dahil wala naman akong kasama dito sa apartment dahil uuwi din yung mga kaibigan ko sa kanila. Ngayon na ang last exam namin sa Taxation kaya sobrang natutuwa ako, si Zirah daw pagkatapos may pupunta daw siya na concert kasama sila Chad baka bukas din 'yun. Niyaya niya naman niya kaming sumama, pero si Faye at Kirsten uuwi na bukas at si Zirah naman sa linggo kasabay ko.
June 24 umalis na sina Faye at Kirsten para sa bakasyon dahil wala naman din kaming gagawin namin dito kundi tutunganga lang. Gusto ko na talagang ma ka graduate para pupunta na ako ng States, miss na miss ko na din ang pamilya ko, gusto ko na ulit silang makita ilang taon ko nang hindi sila nakasama.
"Ayaw mo ba talagang sumama, Sophie? Ikaw nalang ang maiiwan dito mag isa."
Tanong ni Zirah tungkol sa concert na pupuntahan niya. Hindi naman to as in concert pero basta daw may banda na tutugtog sa plaza mamaya dahil may event. Pwede naman pumasok dahil wala naman itong ticket.
Alas sais na ngayun at nagbihis na si Zirah para pumunta magkikita lang daw sila ni Chad sa venue ng seven, kapag sumama ako magiging third wheel lang ako sa kanila.
"Dito lang ako." Maikli kong sagot.
Pumasok ako sa kwarto at humiga sa kama sobrang tahimik sa labas dahil na lang dalawa ni Zirah ang andito. Kinuha ko ang libro ko na binabasa kaninang umaga para hindi ako aantukin. Mga ilang minuto pa kumatok si Zirah sa pinto ko at pumasok.
"Ayaw mo ba talaga? Mag saya naman tayo dahil kakatapos lang ng exams natin ayaw mo pa gumala?"
Umayos ako ng upo at hinarap siya. "Anong oras tayo uuwi kapag sumama ako? Sasabay ka ba sa akin umuwi o maiiwan ka naman kay Chad."
Tama naman siya dapat mag enjoy din kami sa kabila ng stressed na naranasan namin sa school, pero nababahala ako na wala na naman akong kasama umuwi dahil baka hindi uuwi si Zirah dito.
"Sabay tayo uuwi shempre. Kasama din naman 'yung mga kaibigan ni Chad pagkatapos kakain tayo sa labas, Sige na ayoko naman na iwan ka dito mag isa."
"Saan ba ang venue?"
"Malapit lang sa BIU hindi ka pa ba naka punta doon?"
Umiling lang ako sa kanya dahil hindi ko naman kabisado ang lugar dito. Kahit matagal na kaming nakatira dito hindi ko naman nalibot ang lugar na dito, pero kapag si Kirsten nagyaya dati na pumunta kami ng Bar ay sumama kaagad ako.
She stood up and opened the door before going out. Nag bihis ako ng while printed T-shirt at high-waist denim shorts, nilugay ko lang ang mahaba kong buhok na halos umabot sa aking bewang.
"Ano tara na?" Sumilip si Zirah sa pinto habang nag aayos ako ng higaan ko. "Bumili ka ng payong?" Tinuro niya ang itim na payong na nakapatong sa maliit na study tablet ko. Hindi ko pala nasuli 'to.
"Ah hindi, nakalimutan kong isuli kay Kino, pupunta siya diba?"
Tiningnan niya ako ng may pag dududa habang kinuha ko ang payong. "Uy... ano 'yan ha! bakit nasayo 'yan, nagkita kayo?"
"Noong una lang 'to sa 7/11 umuulan kasi kaya pinahiram niya ako ng payong. Tara na nga."
Hinila ko siya palabas dahil andami niya pang tanong-tanong kung ano-ano nalang ang sinasabi niya habang tumatawa. Sumakay kami ng trycicle papunta sa venue na sinasabi niya, pag dating namin doon halos puno na ang plaza at may mga lights na nakasabit sa stage pero hindi pa nag sisimula.
"Nasaan ba sila?" Tanong ko habang nakatayo kami ngayon sa malapit sa puno.
"Nasa unahan lang daw sila, Tara!"
Agad akong sumunod kay Zirah na dumadaan sa maraming tao habang hinahanap ang mga lalaki. Sa di kalayuan natanaw ko ang apat na lalaking nakatayo sa harapan malapit sa stages.
Agad na lumapit si Zirah kay Chad at yumakap. Ako naman lumapit lang sa kanila dala ang payong na pinahiram sa akin ni Kino.
"Sophie, halika! Dito tayo sa harap para mas kita." Sigaw ni Zirah.
Lumapit ako sa kanya at agad naman akong ngumiti binati ako ni Neo na may kasamang babae, girlfriend niya siguro. Si Ralfh naman busy sa Cellphone niya at si Kino nakatayu lang na nakapamulsa sa gilid.
"Hi Phia," Napakurap ako noong narinig ko ang malalim na boses ni Kino.
What happened to me?
Phia? Again? Bakit nabago. Pero gusto ko mas gusto ko ang Phia dahil siya lang ang tumawag sa akin ng ganun. Siya kaya Ang nag padala sa akin ng bulaklak dati?
"Hi. why do you keep calling me, Phia pala even sa chat."
"Gusto ko lang," he smile.
Tiningnan ko siya na naka suot ng glasses. Gosh bakit nagsuot siya ng ganyan he looks so even hotter with those glasses.
"Oo nga pala 'yung payong nakalimutan kong isuli sayo." I extended the umbrella.
Hindi ko maalis na titigan ang mukha niya sobrang bagay nga sa kanya kapag sa personal ko makita, bagay nga sa kanya na sa pictures ko lang nakita dati ngayon pa kaya.
Kinuha niya ang payong at binitbit at napansin kong nahiyawan na 'yung mga tao lumabas na pala ang tutugtog dito.
Tumugtug ang drum at lumabas na ang ibang members ng banda. Hindi ko sila kilala pero sabi nila mag cocover lang daw sila ng mga kanta dahil may event dito. Akala ko Concert.
"Tara doon tayo." Tinuro niya ang pwesto nila Chad na ngayon ay tumatalon na si Zirah.
Nagulat ako sa ginawa niya dahil hinigit niya ako papunta sa kina tatayuan ng ibang kasama. Hinawakan niya ang kamay ko at sumiksik mga taong nagsisigawan habang 'yung iba nag-sitakbuhan papunta sa unahan.
"ARE YOU READY?!!!"
Sigaw ng isa sa mga guitarist na may hawak din mic ang ibang membro naka ready na ang ibang instrument para magsimula.
Malakas ang sigawan ng na halos mabibingi na ako dahil sa lakas. Nakarating kami sa pwesto nila Zirah na ngayon ay niyakap ni Chad ng patalikod.
How sweet.
"IN 1, 2, 3! LET'S GO!"
Dahan-dahan lang sa gitna man ng daan, mga saglit na inilikha kakaiba ang tama ng sinag sa 'yong kutis na kayumanggi oh, sa'n ba ko dinadala.
Panimula ng isa sa vocalist ng banda na siyang dahilan para magsigawan ang mga tao.
Bawat ngiting biglaang nabura
iyong naipinta... Hiwaga ng 'yong tingin nag-aalipin Kahit sa'n man madapa
Napasabay ako sa tili ng mga tao habang tumatalon, tinitingnan ko ang kasama ko na ngumingiti at tumatalon din.
'Di pinapansin ingay sa tabi
Magulong kapaligiran sa'yo lang ang tingin 'di pinapansin ika'y paiikutin
Nang dahan-dahan lang sa gitna man ng daan
Sa churos halos sumasabay sa kanta ang mga tao at sumisigaw halos puno din kasi ang plaza dito malapit sa BIU kaya mas maingay.
Pumunta sa likod ko si Kino, hindi siguro siya comfortable sa tabi ko dahil nag sisiksikan ang mga tao sa gilid.
Unti-unti naramdaman kung pag patak ng mahinang ulan sa balat ko, pero patuloy lang ang pagsigaw ng mga tao na mukhang hindi napansin ang ulan dahil sa saya.
Gusto ko sanang manghiram ng payong ulit pero nahihiya ako, mahina lang naman din ang ulan pero baka lalakas pa 'to mamaya.
Mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao sa pangalawang churos bago matapos ang kanta, pero mas lalong lumakas din ang buhos ng ulan. Gladly binuksan ni Kino ang payong na sinauli ko kanina.
Sila Zirah at ang mga kaibigan ni kino, hinayaan lang ang sarili na mabasa sila ng ulan habang tumatalon at nakikisabay sa kanta.
"Thank you!" Tumingala ako sa kanya habang tumabi siya sa akin na may hawak na payong.
When his eyes met mine, suddenly the crowd stop from being wild at tanging siya lang ang nakikita ko sa oras na 'yun. Ang maamo niyang mata, at makapal na pilikmata ay nakaka akit. Ang matangos niyang ilong, mapupulang labi ay hindi nawala sa paningin ko. He's like an angel standing beside me. Heaven.
Ang lagkit ng tingin niya sa akin na siyang dahilan para bumilis ang t***k ng puso ko. I immediately looked away and pretend to be okay, but my heart didn't stop.
That moment I've realized that my feelings for him are no longer just for a crush. I am falling deeper and I am willing to take the risk just to be with him.
Kino, I'm just falling in love with you.
Natatakot ako na baka marinig nila ang lakas ng t***k ng puso ko, dahil pakiramdam ko mas malakas pa ito sa speaker na naririnig ko kanina.
"Ano ba 'yan maliligo tayo 'wag na kayong gumamit ng payong!"
Napakurap ako sa lakas ng sigaw ni Zirah sa harapan ko at agad nabalik ang attention ko sa harapan. Natapos na pala ang kanta at ngayon ay basa na halos lahat ng tao.