Sa lakas ng buhos ng ulan hinayaan ko ang sarili ko na mabasa sa ulan, wala na ang payong dahil kinuha na ni Zirah.
Ayokong tumingin sa katabi ko dahil hindi tumigil ang t***k ng puso ko.
"Woahhhhh! Lamig!"
Sumigaw ang katabi ko habang tumatalon sa lakas ng ulan at patuloy sa pag sabay ng kanta na ngayon ay iba na ang tinutugtog.
Is this really possible na mahulog ako sa kanya? Alam ko naman na crush siya ng marami pero hindi ko alam kong 'yon pa rin ba ang naramdaman ko.
Pagkatapos ng kantahan ay umalis na kami sa venue pumunta kami sa sasakyan, tumila nadin ang ulan. Dala ni Kino ang sasakyan niya at agad na pumasok siya doon.
Inayos ko ang damit ko dahil sobrang basa na at halos kita na ang nasa loob nito, kaya I crossed my arms trying to cover my chest. Halos giniginaw na ako at gusto ko ng magbihis.
"Are you okay, beh?"
Umayos ako ng tayo na nasa tapat na kami ng sasakyan at halos nag uuwian na ang mga tao, tumango ako sa kanya at ngumiti. Ang ibang lalaki ay nasa harapan lang din nag uusap, at kami naman ay nakatayo lang malapit sa sasakyan.
Bumalik si Kino sa pwesto namin at may inabot siyang color gray na hoodie.
"Wear this." ang lalim na boses niya na agad nag patayo ng balahibo ko.
Agad na dinaga ang dibdib ko dahil sa presensya niya. "Wag na malapit lang naman 'yung apartment."
"Sige na baka mag kasakit ka pa." Agad na binigay niya sa akin at umalis. wala akong magawa kundi isuot dahil giniginaw na din ako.
Pumasok kami sa sasakyan at hindi nadaw kami mag di-diner dahil mga basa na kami at ihahatid nalang daw nila kami sa apartment. Umupo ako katabi ni Zirah na katabi si Chad at sa likod naman namin ay si Neo at 'yong girlfriend niya sa harap naman si Ralfh kasama si Kino na nag mamaneho.
Nang makarating kami sa apartment ng ilang minuto ay agad na nagpa alam kami at nagpasalamat. Si Zirah naman halos ayaw umalis dahil isasama niya daw si Chad dahil nilalamig siya, tinawanan lang namin sila dahil ang harot kahit madaming mga tao.
Hindi ko na nahubad ang jacket dahil nakalimutan ko dahil sa lamig kaya pagka dating ko sa kwarto agad kong hinubad ang jacket na suot ko at naligo.
Hindi ako makatulog at tiningnan lang ang kisame na naka bukas ang mata, iniisip ko ang nangyari kanina. Namula kaya ako, napansin niya kaya na tinitingnan ko siya ng matagal? Oh, god!
Matagal akong dinalaw ng antok kaka isip kong tama ba ang nararamdaman ko. Sa buong College ko wala akong naging gusto at lalo na naging boyfriend dahil ayoko mag karoon wala akong naging boyfriend simula bata, pero last na nagka gusto ako ay grade 10 pa ako na iniyakan ko dahil may girlfriend siya na classmates ko lang din.
At noong nag transfer ako ay sinabi ko sa sarili ko na hindi ako magka gusto kahit kanino, Lalo na sa mga basketball players. Naalala ko na sinabi ng prof ko dati during first year na 'wag daw kaming mag boyfriend ng basketball player, dahil kaya nga daw nila maglaro ng bola babae pa kaya.
Halos madaling araw na ako nakatulog dahil kaka isip, naging balisa ako sa nangyari at naging delulu habang tinitingnan ko ang mga messages namin ni Kino. Mukha na akong tanga dahil kaka ngiti. Ano ba to!
Nagising ako ng alas nuebe ng umaga at aalis na si Zirah ngayon para umuwi dahil wala na namang pasok. Sunday ngayon at naisip kong mag simba dahil medyo matagal na din na hindi ako naka nag simba.
Naabutan ko si Zirah sa labas na nag ayos ng gamit pero kaunti lang, isang bag lang ang ginamit niya. Iiwan lang niya siguro ang mga gamit niya dito dahil babalik lang din naman siya.
"Oh, gising ka na! Good morning," malaki ang ngiti ni Zirah noong nakita niya akong lumabas ng kwarto.
"Aalis kana ngayon?" Malungkot kong tanong dahil ilang buwan pa bago ulit kami magkakasama.
"Aalis tayo ngayun!"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. tayo? Kami sabay aalis? " Hindi pa ako uuwi wala pa si lola sa bahay nila sa Wednesday pa ang balik niya-"
Natigil ako sa pagsasalita ng putulin niya ang sinasabi ko. "Hay nako, hindi 'yan ibig kong sabihin sasama ka may camping tayo sige na kumuha kana ng damit mo dahil dadaan tayo dito. Okay?"
"Camping?"
Wala naman siyang sinabi na may camping ngayon at sino ang kasama ba.
"Oo, dalian muna dahil pupunta na sila dito ng 10, nakalimutan ko palang sabihin sayo na sasama ka dahil wala ka namang kasama dito." Excited niyang sabi habang inayos ang bag niya.
"What? Sinong kasama."
"Shempre yung friends natin, don't worry sila na ang bahala sa food bukas uuwi lang tayo one night lang tayo do'n."
"Friends? Si Faye at Kirsten?" Naguguluhan kong tanong.
Hindi naman nag chat sila Kirsten about dito at hindi naman sila mahilig sa camping.
"Ang loading mo talaga, beh! 'Yung boyfriend ko at mga kaibigan niya. Diba friends!" He wink at me before zipper her bag.
"Wow ha! Hindi ko alam na friends na pala natin sila. Dito lang ako ayokong sumama kulang pa ako sa tulog." I yawn.
"Hindi pwedeng humindi," she shook her head. "Dapat sasama ang all, sige na beh!"
"Ano namang gagawin ko doon? Tsaka ikaw 'yung may boyfriend at sino ba ako para sumama."
Sa huli, napilit ako ni Zirah na sumama dahil umaakting pa siyang umiyak. Matagal ko na rin hindi naranasan mag camping kaya sumama nalang ako isang gabi lang din naman.
Bumaba kami ng sasakyan dala ang maliit kong bag dahil uuwi lang naman daw kami bukas kaya dalawang pair na damit lang ang dinala ko. I wear a black sleeveless dress at sandals lang dahil mas comfortable ako kapag dress ang mga sinusuot ko.
"Hi Babycakes!" Sigaw ni Zirah habang bumaba si Chad ng sasakyan.
Tatlong sasakyan ang dala nila na gagamitin at lahat sila andito. Bumaba silang lahat maliban kay Kino at kinuha ni Chad ang bag ni Zirah.
"Oh, buti napapayag ka Sophie!" Sigaw ni Neo ng lumapit ako sa kanila.
"Si Zirah kasi ayaw niya na hindi ako sasama." I smiled at him widely. "Hello," I waved at the girl besides Neo.
"Buti naman kung ganun baka may uuwi na naman." Ralfh said laughing.
Bumaba si Kino ng sasakyan and he wears a plain black tshirts and white shorts with a black shades. Oh, God, why does he look so good on it.
My heart started to beat faster. this can't be!
Lumapit ito sa amin nang mukhang wala sa mood habang ang mga kaibigan niya nag tatawanan.
"Ano bro byahe na tayo?" Tanong ni Chad.
He nodded. "Let's go."
Kinuha ni Zirah ang bag ko at binigay kay Chad para sumakay na sana pero, sabi ni Chad na marami daw laman ang sasakyan niya at sasabay daw ako kay Kino. WTF!