Reception Nasa iisang table ang lahat ng bridesmaid at groomsmen. The place where the reception was held is large. Siguradong re-ni-serve ni Levine ang buong hall. Mula sa kinauupuan ni Rachell, tanaw na tanaw niya ang married couple na nasa gitna. Kitang-kita niya kung gaano kamahal ng dalawa ang isa’t-isa. Hiyawan pa ang tao habang nilalandi ni Levine si Maeve lalo na at hindi rin nagpapatalo ang dalaga. Napatawa siya ng sinuway ni Tito Marvin ang son-in-law nito. She’s really lucky to meet them. Pinaglaruan niya ang baso sa kamay. Hindi ba talaga pupunta si Lorenzo sa kasal ng kapatid nito? Hindi niya maintindihan. May nagawa ba siya? Mali ba na tinulungan niya itong mag-move on? Galit ba ito dahil ang clingy niya? She smiled bitterly. Right. Hindi siya kagaya ni Maeve na kayang pala

