Philippines Nagkakaundaga ang mga babae sa isang kwarto. Lahat ay pawang busy at nagmamadali mag-ayos. “My gosh! Buti na lang at hapon ang wedding mo, Maeve, kung hindi baka ang lalaki ng eyebags natin dahil alas dose na tayo nakatulog kagabi.” Maeve smiled teasingly at them. “Nope! I was already asleep before ten. Duh, kailangan ko ang beautyrest,” aniya nito habang nakatingin sa salamin. “Sino ba kasi ang nagyaya?” tanong ni Lilac at pinaningkitan ng mata si Dyosa— Diego na narito sa silid ng mga babae. “Why are you here? Dapat doon ka sa mga groomsmen.” Napatirik ng mata si Diego. “So? Nagyaya lang ako pero nasa inyo ang desisyon, right? At isa pa, I belong here. ‘Tsaka baka hindi ako makapagpigil dahil ang daming papabols doon, ‘no! Baka hindi ako maka-attend sa kasal ni Maeve

