bc

IS IT LUCIFER OR DRACULA?

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
tragedy
sweet
betrayal
like
intro-logo
Blurb

Angela Alija a girl who wants to help her family, she applied being a maid into a mysterious Mansion of Del fonso

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"Sigurado ka ba riyan sa desisyon mo anak?" nag-aalinlangang tanong ni mama "Sigurado na ho ako ma, mas maigi nalang magtrabaho muna ako" "Eh anak paano na ang pag-aaral mo? terd yer caleds (3rd year college) kana sa pasukan, sayang naman iyon anak ko" Bumuntong hininga muna ako bago magsalita "Yun na nga ho nay, graduate na naman ako ng highschool at makakapaghintay naman yang 3rd year na yan, mas mabuti munang mag trabaho muna ako at si Amy at Any muna ang pag-aaralin ko dahil mag high school na sila pareho" Tukoy ko sa dalawang kapatid kong kambal "Nagpapasalamat talaga ako sa diyos dahil binigyan nya ako ng panganay na sobrang bait na maganda pa at plas (plus) maalahanin pa hayst." sambit ni nanay at hinaplos pa ang buhok ko napangiti naman ako sa kanya at humalik sa pisngi nya Ngayon ang araw na aalis ako sa tahanan namin para magtrabaho, maid lang naman doon sa kabilang lungsod na Del fonso ang ngalan. sana nga lang ay hindi gipit ang nagmamay-ari ng Mansion na papasukan ko Noon nakaraang araw kasi namasyal kami ng kaibigan ko doon sa Del fonso at may nakita akong poster na nakadikit sa poste na may naghahanap daw ng bagong katulong agad ko naman ginrab yun! "Ate ma mimiss ka namin" si Amy pilit nyang nilalabanan ang emosyon nya "Ma mimiss ko rin kayo, wag kayong pasaway kay nanay at tatay ah? papaluin ko talaga kayo sa pwet pag nagpasaway kayo" birong banta ko sa kanila napangiti naman silang dalawa "Tay wag mo masyadong pagurin ang sarili mo sa trabaho ah?" sambit ko kay tatay, ngumiti sya at tumango nagmano naman ako sa kanya "Mag-iingat ka eneng" huling sabi ni Nanay bago ako sumakay sa Jeep papuntang Del fonso Mahigit dalawang oras ang tinagal ng byahe sa jeep at sumakay pa ulit ako ng trycicle "Manong sa Mansion po ng Divina" sabi ko sa driver tumango lang sya "Iha nais ko lang sana magtanong ano pala ang gagawin mo roon sa Mansion ng mga ....." tanong ni Manong sa akin ngunit hindi ko narinig ang huling salita nya "Ho? ah magtatrabaho ho ako roon" magalang na sagot ko habang yakap yakap ang bag ko "Naku! sa dami ng naghahanap ng katulong bakit ito pa ang napili mo iha, tsk delekado" sambit ni manong nangunot naman ang noo ko "Bakit ho?" tanong ko at nilibot ang paningin ko. nasa gitna kami ng malalabong at matatas na puno. siguro maraming mga mababangis na hayop jaan kaya ganito nalang ang pinagsasabi ni manong "Sana lamang makalabas ka ng buhay riyan iha" gusto kong matawa sa sinabi ni manong. hindi na ako tumugon hindi na rin naman sya nagsalita Napanganga ako ng maabot namin ang destenasyon namin. isang malaki at mataas na gate na gawa sa bakal at kulay itim ang una kong nakita at may letra pang nakaukit rito Hacienda Divina Basa ko sa nakasulat roon. tuloy ay parang naeexcite akong pasukin ito dahil mas malaki pa sa inaasahan ko ang mansion Katumbas nito ang isang College Campus mukha ngang mas malaki pa ito Nilingon ko si manong at nangunot ang noo ko dahil nanlalaki talaga ang mata nyang nakatingin sa malaking gate. tinawag ko sya ngunit hindi sya natinag kaya nilapitan ko nalang sya at tinapik "Salamat ho sa paghahatid ng safe sa akin manong heto ho ang bayad" nakangiti kong sambit pero tumango lang sya at nagmamadaling ipinaandar ang kanyang trycicle at umalis Nagtataka naman akong sinundan sya ng tingin hanggang sa mawala sya sa aking paningin Lumapit ako sa malaking gate, gusto kong tumawa dahil sa excitement na nararamdaman ko,at sa gate na rin na kaharap ko parang higanti ang nakatira rito dahil sa taas ng gate Nagdorbell muna ako at naghintay saglit. "Anong kailangan nyo?" napaigtad ako ng may magsalita sa likuran ko nakatalikod kasi ako sa gate Bumungad sa akin ang isang babaeng nakasuot ng pang maid, namangha ako dahil sa kagandahan at kaputiang taglay nya pero masungit ang kanyang magandang mukha "Ah nandito ho ako para mag apply sana bilang bagong katulong" sabi ko at iniabot ang poster sa kanya. Ngumisi sya ng bahagya at pinagbuksan ako "Pasok" sabi nya at may pinidot sa gate para bumukas ito. mas lalo akong namangha. woah hahaha ang advnace rito ah! sobrang yaman ng nagmamay-ari talaga nito! Isang kilometro rin ang layo ng Mansion sa Gate. Napakalikot ng ulo dahil tingin roon at tingin dito. hindi ko mapigilang ngumiti hanggang sa madapo ang paningin ko sa ikalawang palapag. May naaninag akong tao roon na tila nakasilip sa amin ng kasama kong maid. nang tignan ko itong mabuti nawala ito. Siguro guni-guni ko lang yun. "Ano ang iyong pangalan?" tanong nung sumundo sa akin. nasa harap kami ng malaking pinto ng Mansion. tumigil muna kami dahil tinatanong nya ang pangalan ko "Angel ho, Angel Alija mula ho ako sa Carmen" sagot ko at tumango ng bahagya. wala syang naging reaksyon sa sinabi ko tahimik kaming nagtitigan "Ako si Lucia ang kasalukuyang mayor doma ng Mansion" tanging sambit nya at nangunang pumasok sa Mansion Ng makapasok kami mas lalo akong namangha sa ganda ng loob Naglalakihan at naggagandahan ang mga chandelier, ang mga aparador mas malaki pa sa isang devider, amg mga paintings malalaki rin. Higanti talaga ang nakatira rito! Ang sofa halatang mamahalin, matatakot kang maupo dahil baka masira mo at pagbabayaran mo ng tatlong taon gamit ang sweldo mo "Woaaaaah ang gandaaaaaaa" bulong ko sa sarili "Sumunod ka sa akin ipakikilala kita sa iba pang kasama natin" rinig kong sambit ni Manag Lucia pero hindi ko sya magawang tignan dahil hindi ko matanggal ang mga mata ko sa pagpapasyal sa buong Mansion "Marami ka pang oras upang tignan ang buong Mansion, sa ngayon makinig ka muna sa akin" striktong pagkakasabi ni Lucia at agad akong napaayos ng upo Mukhang mag-kasing edad lang kami nito ni Lucia pero mas matured sya tignan "Kailangan mong malaman ang apat na patakaran rito" "Una kailangan gising ka na sa oras ng alas kwatro ng madaling araw, pangalawa kailangan galangin mo ang mga amo natin" Mga amo? marami sila? tsh malamang sa laki ng mansion na ito nagtataka ka pa talaga?! "Pangatlo, mahigpit na ipinagbabawal ang pag-akyat ng mga katulong sa ikatlong palapag" Wait, what? may ikatlong palapag? eh dalawa lang naman ang nakita ko kanina ah! di bale baka secret yun. "At pang-apat, Huwag na huwag mong gagalitin ang mga amo natin" huling sambit ni Lucia tatanungin ko pa sana sya pero nakapasok na kami sa kusina Bumungad sa amin ang walong tao na siguro ay tagapag-silbi rin dito sa mansion "Sya si Angela, bago ninyong kasama" striktong sabi ni Lucia. ngumiti naman ako sa kanila isa-isa "Hi ako nga pala si Floriza" pakilala nung babaeng maganda rin makinis ang kutis, maamo ang mukha at pareho lang kami ng height "Rufus nga pala, ako ang hardenero sa Mansion" pakilala sa akin nung lalaking mas matangkad sa akin. napangit naman ako dahil sa maamo nyang mukha, makisig ang pangagatawan nya at medyo singitin ang kanyang mga mata pag-ngumingiti sya. "Mamaya na ang daldalan kailangan na nating mag handa dahil malapit na ang hapunan"striktong sabi ni Lucia at agad naman nagsitrabaho ang mga ibang katulong. Sinamahan ako ni Floriza ihatid ang gamit ko sa maid's quarter at nasa ikalawang palapag pala ito. ang bait siguro ng amo namin. "Ang ganda mo naman Angela" bungisngis ni Floriza habang tinulungan akong ayusin ang gamit ko sa cabinet ko. Akala ko sama-sama kami sa iisang kwarto pero nagkakamali ako, tig-iisa pala kami at talaga naman maganda ang magiging kwarto ko rito hays. "Naku! hahahahah manahimik kana Floriza baka kako lumaki ang ulo ko" natatawang sambit nya tinawanan lang din nya ako "Flor um hindi ko pa na memeet ang amo natin, anong hitsura nila?" curios na tanong ko "Hahahaha naku seb! wag mo ng pangarapin dahil baka hindi ka makatulog pagkatapos mong masilayan ang nagagwapohan nilang mukha hahahaha" "Tuleg hindi ako pumapatol sa matatanda no!" natatawang sambit ko "Ay! HAHAHAHA naku baka makain mo yang sinabi mo! tsaka ang Don lang ang matanda rito no! ang dalawang anak nya ay mga binatilyo kaya hahahah" "Kaso nga lang hindi namin nasisilayan ang mga ito" nawala ang ngiti sa mukha ni Floriza "Bakit naman?" "Aside sa masungit sila, kakaiba rin sila eh basta!" Hindi na namin natuloy ang pag-uusap dahil tinawag na kami ng mayora Marami kaming nagtulong-tulong sa paghain ng pagkain dahil marami rin ang niluto ng mayora. Siguro marami rin ang nakatira rito kung kayat ganyan karami ang inihanda namin paranh fiesta lang! "Ang dami naman yata nyan, ilan ba ang nakatira dito?" bulong ko kay Floriza "Tatlo lang, minsan nga ang Don lang ang bumababa" bulong rin nya sa akin, napatango nalang ako sa kawalan ng matatanong "Humayo na kayo sa kusina, tatawagin ko na ang Amo" sabi ni Lucia at nagsisunuran naman kami "Hindi pa ba tayo kakain?" tanong ko sa kanila. nandito pa rin kami sa kusina nakaupo sa mahabang kawayan na sofa "Hm! walang kakain ng hindi natatapos ang mga Amo sa pag-kain" masungit na sabi ni Raquel paramg magkaedad lang din kami pero masungit sya sobra! *pout**sigh* Di rin nagtagal pumasok na sa kusina ang mayora Gusto kong magtanong kung bakit nandito kami ngayon lahat, kung bakit hindi nila ako pinapakilala sa Amo namin. Abat sino ka naman Angel para ipakilala aber? Duh bagong katulog ako rito no! "Hindi ba natin pwedeng makita ang mga Amo natin kumain?" mahinang mahinang bulong ko kay Floriza "Hindi Angela, isa rin yan sa patakaran ng mga katulong rito" nagulat ako ng si Lucia ang sumagot sa akin. Napayuko nalang ako sa kahihiyan. Isang oras rin ang itinagal namin doon sa kusina at ng matapos ay pumunta na kami sa sala kung nasaan ang mahaba na lamesa. nadismaya ako dahil hindi ko naabutan ang amo namin. Naupo kami sa hapag-kainan at nagsimulang kumain. Kailangan ba talaga mauna ang nga amo namin kumain bago kami? Pagkatapos ay nagsitunguhan na sila sa kani-kanilang kwarto at ako ang iniwanan nila para sa hugasin. Natatakot akong baka madulas sa kamay ko ang mga platong hawak ko at mabasag dahil baka nga pagbayaran ko ng tatlong taon ng sweldo ko. "Who are you?" napaigtad ako sa gulat at muntik muntikan na talagang madulas sa kamay ko ang malaking plato "Jusko! ano bat nanggugulat ka?!" sigaw ko ngunit agad ding napipi ng lingunin ko ito Isang matangkad ngunit makisig na lalaki na nasandal sa counter ng kusina. Masasabi kong gwapo ito at halatang mestezo dahil sa puting taglay nito. Makapal ang kilay, matangos ang ilong, mapula ang labi at mapungay ang medyo singkitin na mata. halatang halata na galing sa sobrang yaman na pamilya dahil sa suot nitong tuxedo. Baka pag hinawakan mo ito at kailangan mong lunukin ang buong sabon para masabi mong malinis ang kamay mo bago hawakan ito. "Done checking me?" sambit ulit nya sa isang malalim at lalaking lalaki na boses. napalunok ako ng di oras at napa-iwas ng tingin. "H-hindi ah!" pag-tanggi ko at kitang kita ko ang pagsalubong ng makapal na kilay nya "Do you know me?" tanong ulit nya pero parang galit na ang boses nya kaya napayuko ako halos mabali ang batok ko at umiling "Answer me, who are you?" tanong ulit nya "B-bagong katulong po" nakayukong sagot ko "Then you must know me" ganon pa rin ang boses nya halatang galit "S-sino p-po b-ba k-kayo?" nanginginig na tanong ko Nagulat ako ng bigla itong humalakhak ngunit mahina lang yung kami lang ang makakarinig Napalunok ako dahil ang gwapo nyang tumawa! jusko! nandito ako para mag trabaho hindi para kiligin pag tumawa ang isang gwapong lalaki! "Siguro kailangan na kitang ipatanggal dito sa Mansion ko, Hindi ko akalain na ang makukuhang bagong katulong ng Mayora ay isang bastos na nilalang" mas nagulat ako sa prangkang sabi nya at mas lalong napayuko Bakit hindi ko naiisip na sya pala ang nag-mamayari rito? nakasuot na nga sya ng mamahaling damit at lahat lahat nagtataka pa rin ako kung sino sya ? abay bobo ka angela mygeshhh! matatanggal ka sa trabaho dahil sa katangahan mo! "P-pasensya na h-ho, h-hind-di k-ko h-ho s-sinas-sad-dya" para akong maiiyak sa sinabi nya. Kakasimula ko pa pang rito ay matatanggal na ako? Tinalikuran lang ako nito ng walang salita, nakahinga man ako ng maluwag dahil nawala ang presensya nya ngunit binabagabag ako sa katotohanang dissapointed ang gwapong Amo namin sa akin.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

True Luna

read
1.3M
bc

His Redemption (Complete His Series)

read
5.7M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
202.1K
bc

Lauchlan The Betrayed (book 2 of Hell in the Realm series)

read
70.0K
bc

A Warrior's Second Chance

read
331.3K
bc

Holiday Fling with the Fae King

read
11.7K
bc

Alpha's Rejected Mate

read
1.3M

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook