Chapter 2: Talon

2496 Words
GEMINIAH AERIAL'S POV... I woke with a headache and the sterile white walls seemed to close in on me, and the harsh fluorescent lights flickered over my head. Nagmulat ako ng mga mata. Malabo ang paningin ko, as I tried to make sense of my surroundings. Nakahiga ako sa maliit na kama. May manipis na puting tela na nakabalot sa kalahati kong katawan at ang isip ko ay magulo. What had happened? Sinapo ko ang ulo at marahang bumangon. Hinawi ko ang kumot at nakahinga nang maluwag na gano’n pa rin ang suot ko. White blouse and black summer shorts minus my stiletto. Pero nakita ko rin naman agad iyon sa ibaba ng kama. Bababa na sana ako mula sa kama nang bumukas ang pinto ng kwartong kinaroroonan ko. May pumasok na medyo mataba at hindi katangkarang babaeng nakasuot ng puting uniporme. Sa tingin ko ay nasa late 30’s ang edad at kung hindi ako nagkakamali ay isa siyang nurse. “Good evening, Ma’am,” nakangiting bati niya sa akin nang makitang gising na ako. “Nasaan ako?” tanong ko agad sa kaniya. “Nasa clinic po kayo ng La Cruix Hotel, Ma’am.” Kumunot ang noo ko. Nasa clinic ako ng La Cruix Hotel. Magtatanong na sana ako kung sino ang nagdala sa akin dito nang muling nagsalita ang nurse. “Dinala po kayo rito nina Sir Sebastian at Sir Liam, Ma’am. Hinimatay po kayo nang ma-trapped kayo sa loob ng elevator kasama sila.” Saka ko lang naalala ang nangyari sa huling sinabi ng nurse. Iyong dalawang lalaking nakasabay niya sa elevator ang nagdala sa kaniya rito. At mukhang kilala ang mga iyon dito sa hotel. Tumango ako. “Maaari na ba akong makalipat sa nirentahan kong room?” “Yes, Ma’am.” Inalalayan niya akong makatayo. “Ihahatid ko na rin kayo sa room niyo, Ma’am.” Tumango ako at hindi na umangal. Kailangan ko rin ng kasama papunta roon dahil medyo nahihilo pa ako. Sa nangyari rin kanina ay natakot na rin akong mag-isa. “Puwede ba na maghagdan na lang tayo?” she requested. Nasa fifth floor ang room niya pero makakaya rin naman niya iyong akyatin gamit ang hagdan. “Ah, nabago po pala ang room niyo, Ma’am,” Mas lalong nangunot ang noo ko. “Ha? Binago? Bakit?” “Tumawag po si Ma’am Ellah sa may receptionist, pinabago po ang room niyo. Nasa second floor na po kayo, VIP room.” What?! “Wait. Ma’am Ellah? Who is she?” “Manager po rito, Ma’am, at isa rin po siya sa may-ari ng La Cruix Hotel.” Awang ang bibig na napailing ako. Hindi puwede. Dalawang araw lang ako rito at kung tutuloy ako sa isang VIP room na sinasabi niya, more or less nasa halagang fifty thousand pesos ang babayaran ko. At wala akong gano’n kalaking pera. “No, hindi puwede na sa VIP room ako. Napakamahal doon at wala akong gano’n kalaking halaga para ibayad sa dalawang araw ng pag-stay ko rito.” Napakamot ang nurse sa ulo niya. Namomroblema na rin. “Kailangan kong kausapin ang receptionist.” Ani ko at agad na lumabas ng clinic. Agad din naman akong sinundan ng nurse. Mabuti na lang at nasa first floor lang din ang clinic at malapit lang din kung saan ang receptionist area kaya hindi na ako nahirapang makarating doon. Agad ko ring kinompronta ang bbabaeng receptionist na naroon. Kung ano ang sinabi ko sa nurse ay ‘yon din ang sinabi ko sa receptionist. Tinawagan naman agad nito ang manager. Matapos nitong makausap ang manager ay muli ako nitong hinarap. “Hindi na raw kayo dapat na mag-alala, Ma’am. Bayad na raw po ang room niyo.” Manghang napaawang ang bibig ko sa sinabi ng babaeng receptionist. Kahit ang nurse na nakikinig lang ay namangha rin. “Sinong nagbayad?” tanong ko. Hindi pa rin makapaniwala na mage-stay ako sa VIP room nang wala ng alalahaning bayarin sa loob ng dalawang araw. "Pasensya na po, Ma'am. VVIP po kaya bawal po kaming maglabas ng impormasyon." VVIP? Hindi kaya...agad kong ipinilig ang ulo. Hindi. Malabong masundan niya ako hanggang dito. Tumango na lang ako at sumama na lang sa nurse at isang staff ng hotel papunta sa VIP room na tutuluyan ko raw. “Salamat,” pasalamat ko sa nurse nang makarating na kami sa VIP room dito sa second floor. Ngumiti siya at marahang tumango sa akin at umalis na. Ang babaeng staff naman ang nagbukas ng pinto at pinapapasok ako sa loob. “Nasa loob na rin po ang inyong maleta at bag, Ma’am. Pinahatid na po ni Ma’am Ellah habang nasa loob pa kayo ng clinic.” Sabi ng staff. Tumango ako at inilibot ang tingin sa kabuuan ng kwarto. Napakalaki nitong kuwarto, malaki ang kama. Maaliwalas at kita ko rin mula sa kintatayuan ko ang City view ng Cebu. “Tumawag lang po kayo, Ma’am sa ibaba kung may kailangan pa po kayo. Gamitin niyo lang iyong intercom.” Nilingon ko ang babae. Nakatayo lang ito malapit sa may pinto at hindi man lang pumasok. Tumango lang ako. Nang umalis na siya ay isinarado ko ang pinto. Tinungo ko ang aking maleta at kumuha ng bihisan. Pagkatapos ay pumasok ako sa banyo at naligo para maibsan ang pananakit ng ulo ko. Saglit lang din akong naligo at agad din na nagbihis. Sakto rin na pagkalabas ko ng banyo ay may kumatok sa pinto. Baka may nakalimutang sabihin iyong staff kaya bumalik. Ngunit agad na kumunot ang noo ko ng mabuksan ko ang lalaking may dalang mga pagkain na nakalagay sa service cart. “Hindi po ako nagpapa-deliver ng pagkain,” ani ko sa lalaking staff ng hotel. “Kayo po ba si Miss Geminiah Abelardo, Ma’am?” sa halip ay tanong ng lalaki. Tumango ako. “Yes.” Ngumiti ang lalaki. “Then, this is for you, Ma’am. Pina-deliver po ni Mr. Crawford para sa inyo.” Napakurap ako at agad na bumundol ang kaba sa dibdib ko nang marinig ang apilyedong binanggit ng lalaki. Para sa akin. Pina-deliver ni Mr. Crawford. s**t! Paano niya nalaman na nandito ako sa hotel? And double s**t! Nandito ang matandang iyon sa Pilipinas! Dito sa Cebu! Siya rin ba ang nagpalipat sa akin dito sa VIP room? “S-Sige… iwan mo na lang d’yan.” Kinakabahang sabi ko. Hindi ko naman puwedeng tanggihan dahil bukod sa gutom na rin ako ay ayaw ko nang lumabas at baka naroon lang sa labas ang matandang iyon. Pagkalabas ng lalaking staff ay agad kong ni-lock ang pinto. Pero hindi ako mapakali. Hindi ako puwedeng mahuli ni Sebastino. No way! Napasulyap ako sa pagkaing nasa maliit na mesa. Nang kumalam ang sikmura ko ay agad akong lumapit doon. Isa-isa kong binuksan ang mga takip. Tatlong putahe ng ulam at isang serving ng kanin. Agad naman akong natakam sa steak. Dinampot ko ang kutsara at magsandok na sana nang maalala ko ang nangyari sa akin noon sa cruise ship. Binitiwan ko ang kutsara saka muling tinakpan ang mga pagkain. Baka may pampatulog na naman ang mga iyon. Hindi puwede. Kailangan kong makaalis kaagad ng Cebu bago pa man ako tuluyang mahuli ng matandang iyon. Alam kong hindi siya titigil hangga’t hindi niya ako mahanap. Tumawag ako sa ibaba gamit ang intercom. Pinakuha ko sa staff ang mga pagkain at nag-order ako ng panibago dinahilan ko na lang ay hindi ko gusto iyong pagkaing inihatid dito. At para hindi ako magtunog maarte ay sinabi kong buntis ako at naglilihi na agad din naman nilang naintindihan. While waiting sa pagkain na ide-deliver rito ay nagtipa ako ng reply kay Amaiah nang mag-text siya sa akin, nangungumusta at nagtanong kung saang hotel ako nag-stay. Pero bago ko pa na-send ay tumunog na ang phone ko sa tawag niya. "Hello," "Ate, ang tagal mong mag-reply. Kumusta ka? Saang hotel ka nag-stay?" sunud-sunod niyang tanong sa akin. "Nasa La Cruix Hotel ako. Nakatulog kasi ako at ngayon lang nagising." Ayaw kong mag-alala ang kapatid ko sa akin kaya iyon lang ang sinabi ko. "Oh, sorry. Naistorbo yata kita." "Hindi naman. Siya nga pala punta tayo bukas sa talon," aya ko sa kaniya. "Sige ba." Marami pa sila ulit na napag-usapan. Nang dumating ang order kong pagkain ay saka lang ako nagpaalam. Maaga ako nagising dahil nakaramdam ako ng pagsusuka. Hindi na rin ako nakatulog pagkatapos kaya inabala ko na lang ang sarili sa paghahanap ng trabaho thru social media. Kailangan kong makahanap ng trabaho bago pa man maubos ang perang naipon ko mula sa limang taong pagtatrabaho sa Canada. Nag-inquire na rin ako ng review center para makapag-enroll. Itutuloy ko pa rin ang naudlot kong pangarap na makapagturo. “All my life, I am nothing but a mean spoiled brat.” Ani ko. Naupo ako sa tabi ni Amaiah at sabay naming pinanonood ang tubig na umaagos mula sa itaas ng talon. Saglit pa niya akong nilingon, pagkuwan ay agad din na ibinalik ang tingin sa talon. Nasa isang kuweba kami sa kanang bahagi ng talon at napalilibutan iyon ng malalaking bato. Naglatag lang kami ng blanket at doon naupo. Malinis pa rin ang kuweba gaya ng dati at hindi mapanganib tingnan. Dito kami madalas na tumambay noon. Tahimik at kita niya ang mga taong namamasyal din dito mula sa ibaba. Kami lang din ang nandito dahil sa sobrang taas ng dadaanan papunta rito ay walang mangangahas na aakyat sa takot na baka mahulog. Kaya lang kami nakaakyat dito dahil may sekreto kaming alam na dadaanan papunta rito. “Pero ang importante, ate na nagbago ka na, hindi ba?” ani Amaiah. Nangingiting tumango-tango ako. “Hmm, pero hindi pa rin ako magpapaapi, ano?” palaban pa ring sabi ko. Mahabang katahimikan ang namagitan sa amin. Tanging lagaslas lang ng talon ang malakas na maririnig namin, masasayang huni ng mga ibon sa bawat malalaking puno ng kahoy sa paligid. Sobrang nakaka-relax iyon. Ah, I miss this kind of scene. Sana ganito palagi. Iyong tahimik at walang problema. I sighed. Alam kong sa ngayon tahimik pa ang buhay ko, pero sa darating na mga araw—agad kong ipinilig ang ulo. Ayaw ko munang isipin ang problemang pilit kong tinatakasan. “Ate, ayaw mo bang puntahan ang ama niyang ipinagbubuntis mo? Magpasustento ka.” Dumilim ang hitsura ko. “Tsk, ayaw ko. Ano akala nila sa akin poor?” mayabang kong sagot sa kapatid ko. Binuntutan ko pa iyon ng mahinang pagtawa. Natatawang mahinang sinapak naman ako ni Amaiah sa balikat. "Sira..." “But seriously, ayaw ko ng humingi sa walang kuwentang lalaking iyon. Ayokong makilala niya ang anak ko. Akin lang ang anak ko." Part of it was a lie. Yes, hindi ko man gusto itong pagbubuntis ko, pero mahal ko naman ang anak ko. Anak ko siya, kaya akin lang siya. Kaya kung totoo man ang hinala ko na nandito ang matandang iyon sa Cebu, kailangan kong makaalis agad dito. Napahawak ako sa impis kong tiyan. Kaya kong buhayin ang anak ko na mag-isa! “Ikaw?” Kunot ang noong tumingin siya sa akin. “Anong ako?” balik niyang tanong sa akin. “Wala ka bang balak na habulin iyong asawa mo? Kasal pa naman kayo, wala pa naman siyang annulment papers na ipinadala, hindi ba?” Hindi ko pa nakita ang asawa ni Amaiah pero base na rin sa kuwento ni Nanay sa akin ay mabait daw ang lalaki at natutuhan ng mahalin ang kapatid niya. Medyo magulo lang daw ang sitwasyon ngayon ng mga ito kaya hinayaan munang umalis si Amaiah at isipin nito na gusto ng makipaghiwalay ang asawa rito. At kahit hindi sabihin ng kapatid ko ang tunay na nararamdaman niya sa asawa niya, alam kong mahal na niya ang asawa niya. Natigil kami sa pag-uusap nang marinig namin na may nagtatawanan na mga lalaki. Sa linaw ng mga boses nila ay alam kong malapit na sila kung saan kami ni Amaiah nakapuwesto. Napatayo ako para tanawin kung sino ang mga paparating. “Sh*t!” I murmured. “What are they doing here?” Paanong nakarating ang mga ito rito? Napatayo na rin si Amaiah at base sa nakikita kong reaksyon ng kapatid, alam kong kilala niya ang mga taong paparating. “Wow! This is one hellá amazing!” sabi ng lalaking kalalabas lang ng lagusan. Muli akong napamura nang makilala ko ang lalaki. Si Liam. “Yeah, we should bring our girlfriends here next time.” Nabaling ang tingin ko sa isa pang lalaki. Namilog ang mga mata ko nang makilala ko rin ito. Si Sebastian. “Brant?” Narinig kong sambit ni Amaiah kaya nilingon ko siya. Ang mga mata nito ay nakatuon lang doon sa grupo, particularly sa isang lalaki. “Kilala mo sila, Amaiah?” tanong ko kahit obvious na kilala niya ang grupo. Mabuti na lang at hindi kami basta-basta na mapapansin nila rito dahil maraming malalaking bato ang nakaharang sa kinaroroonan namin. Pero kami ay kitang-kita namin sila mula rito at malinaw na maririnig ang mga pinag-uusapan. “Ulol ka, Sebastian, wala ka namang girlfriend.” Sabi ni Liam, na ikinatawa ng mga kasama nila. “That’s why I said next time, stupid. Ikaw din naman ay wala. It’s a tie prick!” Napangiwi ako sa talas ng dila niya. Pero mukhang hindi naman na-offend si Liam. Mukhang sanay na yata sa talas ng dila at palamurang bibig ng lalaki. I scanned him. He is wearing a white long sleeve, na tinupi lang ang manggas hanggang sa siko niya. Itim na pantalon at itim na converse shoes. He stands tall, not imposingly so, but with an innate confidence that draws attention. His posture is impeccable—a silent challenge to the world. Kahit hindi siya naghahanap ng atensyon pero napapansin pa rin siya, lalo na ng mga kababaihan na nandito sa talon. Pasulyap-sulyap pero may mga lantaran talaga na nakatitig sa kaniya kasama na ako roon. Hindi ako ang tipo ng babae na madaling ma-attract sa hitsura ng isang lalaki, kaya hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit hindi maalis-alis ang tingin ko sa kaniya. His body is lean and sinewy, suggesting strength without bulk. Naaalala ko tuloy iyong nangyari kagabi. Ang matigas nitong braso na kinapitan ko para hindi tuluyang bumagsak sa sahig. At kahit nawalan ako ng malay, alam ko na siya ang sumalo sa akin para hindi ako masaktan. I owe him, I know. Kaya siguro ako nakaramdam ng ganito sa kaniya at hindi maalis ang tingin. Yeah, gano'n lang siguro iyon. Bumaba ang tingin ko sa braso niya, and I gasped when I saw a little bandage in there. s**t! Nasugatan ko nga talaga siya. At nang magtaas ako ng tingin sa mukha niya ay agad kong nahigit ang paghinga nang nakatingin na ito sa akin. At dahil nasa ibabaw ako ay nakatingala siya sa akin. Nagkasalubong ang aming mga mata. Huli na rin para mag-iwas ako ng tingin. Kaya walanghiya kong sinalubong ang mga mata niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD