Chapter 1: Blackout

1726 Words
GEMINIAH AERIAL'S POV... HINDI ako natinag habang patuloy akong hinahampas ni Nanay Lupe ng mga kamay niya. Bale-wala sa akin ang sakit ng mga hampas niya. Oo, nasasaktan ako pero alam kong kulang pa ang sakit na iyon sa lahat ng mga ginawa ko sa pamilya namin. Sa pag-iwan ko sa kanila at ngayon, uuwing may dalang problema. "Wala kang utang na loob!" sigaw ni Nanay Lupe sa akin habang umiiyak. Nanatili lang akong nakayoko at sobra ang pagpipigil ko na umiyak. Wala akong karapatang umiyak! Dahil totoong wala akong utang na loob! But then, my heart hurt. Pero hindi dahil tinawag akong walang utang na loob ni Nanay. Nasasaktan ako dahil alam kong nasasaktan ko na naman sila ulit. Lalo na si Nanay Lupe na walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Sa aming dalawa ni Amaiah, ako ang paborito ni Nanay. Ako ang mas mahal ni Nanay. Ako ang laging una sa lahat! Mula sa atensyon at pagmamahal hanggang sa mga materyal na bagay. Noong una, hindi ko iyon maunawaan kung bakit, hindi ko rin naman pinapansin kasi naiinggit din ako kay Amaiah dahil pakiramdam ko mas paborito siya ni Tatay kaysa sa akin. Saka ko lang naunawaan kung bakit nang malaman ko ang totoo. Hindi ako anak ni Tatay Ernesto. Anak pala ako ng lalaking unang minahal ni Nanay Lupe at sinalo lang kami ni Tatay Ernesto dahil ayaw pakasalan ng totoo kong ama si Nanay. "I'm sorry, Nay," garalgal ang boses kong paghingi ng tawad. Ngunit alam ko na hindi sapat ang salitang sorry sa lahat ng pag-aalala at pasakit na ibinigay ko kay Nanay, sa kapatid ko at kay Tatay Ernesto. "Lumayas ka! Hindi kita matatanggap sa pamamahay ko. Wala kang karapatang tumira dito!" Suminghap ako nang mahigpit na hinawakan ni Nanay Lupe ang braso ko at marahas na kinaladkad para palabasin sa bahay. “Nay, sandali…” pigil ni Amaiah kay Nanay pero wala ring nagawa ang kapatid ko. Binuksan ni Nanay ang pintuan at itinulak ako palabas ng bahay saka malakas na muling sinarado ang pinto. Kung hindi ko lang naibalanse ang katawan, malamang sumalampak na ako sa sahig dito sa portiko. Narinig ko rin si Amaiah mula sa loob na sinubukang kausapin si Nanay na ‘wag akong palayasin pero sobra talaga ang galit ng kanilang ina at hindi matanggap ang kalagayan ko. Muling bumukas ang pinto at pinaghahagis ni Nanay ang mga damit ko rito sa labas at agad iyong nagkalat sa sahig. 'H'wag na h'wag kang tutuntong sa pamamahay na ito hangga't wala kang maipakilalang ama niyang dinadala mo! Wala kang utang na loob! Lagi niyo na lang binibigyang kahihiyan itong pamilya natin." Nakita kong naglalabasan na ang mga kapitbahay namin sa kanilang mga bahay. Sina Aling Dolores at ang kaniyang pamilya ay nakatingin sa akin na puno ng panghuhusga ang mga mata habang ang ibang mga kapitbahay namin ay naaawa sa kalagayn ko pero walang naglakas-loob na lapitan ako. Muli akong napatingin sa nakasaradong pintuan. Pagkatapos ay napabuntonghininga na lang ako habang nakatitig sa nagkalat kong mga damit sa sahig saka tahimik kong pinagpupulot ang mga iyon at isinilid ulit sa maleta na nakabukas na kasamang inihagis ni Nanay rito sa labas. Napaangat ako ng tingin nang bumukas muli ang malaking pintuan ng bahay namin at lumabas si Amaiah kaya natigil ako sa pagliligpit ng mga damit ko. "Ate Gemini..." Hilam sa luha ang kaniyang mukha. Ang isang kamay niya ay sapu-sapo ang napakalaki na niyang tiyan. Tsked. Napakaiyakin talaga niya! Pero ang kaninang mga luhang pilit kong pinipigilan ay hindi ko na rin mapigilan pa at napaiyak na ako. "I'm sorry, I'm so sorry..." iyak ko. "Hindi ka sa akin dapat na humingi ng sorry, Ate." Alam ko. Kung may dapat man na makarinig ng sorry ko ay sina Nanay Lupe at Tatay Ernesto iyon. Pero gusto ko pa rin na humingi ng sorry sa kapatid ko. "Gusto ko pa rin na humingi ng tawad sa'yo dahil alam kong nasaktan din kita. Hindi ako naging mabuting kapatid sa’yo. At alam ko na kahit hindi mo sabihin sa akin, nasaktan ka no’ng umalis ako at hindi na nagparamdam sa inyo.” Amaiah cried and hugged me tight. Matagal din kami sa gano’ng posisyon bago tumahan at nag-usap ng masinsinan. Ikinuwento ni Amaiah kung paano nagbago ang lahat simula nang umalis ako, lalo na si Tatay Ernesto. Sobra naman ang konsensyang naramdaman ko. “Bakit hindi mo man lang kami nagawang tawagan?” May hinanakit sa boses na tanong ni Amaiah sa akin. “Dahil nahihiya ako sa inyo nang hindi ako nakapasa sa board exam. Nagpunta ako ng States para magtrabaho pero hindi rin sapat ang kita ko roon para makapagpadala ako kina Nanay at Tatay.” Sinabi ko rin kay Amaiah ang naging buhay ko roon sa U.S pero hindi ko na sinabi ang totoong nangyari, kung bakit ako nabuntis at walang amang maipakilala nitong batang dinadala ko. Nagpasya akong pansamantala munang tumuloy sa isang hotel dito sa Cebu. At habang palayo nang palayo ang kinalululanan kong taxi ay paliit naman nang paliit ang bahay namin. Ang bahay kung saan ako lumaki at nagka-isip. Ang laki na ng pinagbago ng bahay na iyon. Ang dating luma at gawa sa kahoy nilang bahay ay napalitan ng hollow blocks at semento. Thanks to my sister’s husband. Tinubos ng lalaki ang bahay at lupa nila at pinaayos pa. Hindi ko maiwasang makaramdam ng panliliit sa sarili. Sa halip kasi na ako ang gumawa ng bagay na iyon dahil ako naman ang dahilan kung bakit naisangla ang bahay at lupa nila noon, pero heto ako uuwing buntis at wala pa ring naabot para sa sarili. “Here’s your key card, Ma’am. Enjoy your stay.” “Thank you.” Agad kong kinuha ang ibinigay ng receptionist na card key sa tutuluyan kung kuwarto. Pagkatapos ay hila-hila ko ang aking maleta na tinungo ang elevator. Naghintay muna siya saglit dahil may gumagamit pa ng elevator. Tumunog ang phone ko kaya kinuha ko iyon sa loob ng dala kong bag. Nang makitang unregistered number ang nag-appear sa screen ay agad akong kinabahan lalo pa at pamilyar sa akin ang number na tumatawag. Hindi ko sinagot at mabilis na kinansela ang tawag na iyon. Nang bumukas ang elevator ay bumungad sa akin ang dalawang lalaki sa loob ng elevator. Mukhang nag-uusap ang mga ito pero natigil lang nang bumukas ang lift. Agad akong pumasok sa loob at hinila ang dala kong maleta. Ngunit nang maamoy ko ang magkahalong pabangong gamit ng dalawang lalaki ay gusto ko na lang lumabas ulit. Pero huli na. Nagsara na ang elevator. Napalunok ako nang magsimula nang umasim ang sikmura ko. “I will help you find those cutthroats if—f**k!” mura ng lalaking nagsasalita nang bigla na lang umalog ang elevator pagkatapos ay tumigil at dumilim pero saglit lang dahil agad din na bumukas ang emergency light. “Oh, God! Anong nangyari?” nagpanic kong tanong, in no particular person. Muntik pa akong matumba kung hindi agad ako nakahawak sa matigas na braso ng lalaking nasa likuran ko. Hindi naman ako matatakutin kaya lang narito ako sa loob ng elevator kasama itong dalawang lalaking hindi ko kakilala. “f*****g brownout.” Sabi ng lalaking nahawakan ko. His voice was cold and deep, and I felt the chill crawl up my spine, settling in the crevices of my bones. Mas lalong umasim ang sikmura ko at umakyat ‘yon sa lalamunan ko. Nabitiwan ko ang handle ng maleta at sinapo ko ang aking noo nang makaramdam ng pagkahilo. Ang isang kamay kong nakahawak pa rin sa lalaki ay mas lalong humigpit para kumuha ng suporta mula rito. Lihim ko ring ipinagpasalamat at hindi niya binawi ang braso. Hindi rin ako nakarinig ng reklamo mula sa kaniya kahit halos bumaon na ang mga kuko ko sa braso niya. “Are you okay, Miss?” tanong sa akin ng lalaking kalmado lang na nakasandal sa pader ng elevator. Nakatiklop ang dalawang braso niya sa kaniyang dibdib na tila hindi man lang nababahala na nakulong silang tatlo rito sa loob ng elevator. Mariin kong ipinikit ang mga mata at umiling. “f*****g call the staff in this f*****g hotel, Liam.” Utos ng lalaking hawak ko pa rin ang braso. Napangiwi ako sa pagmumura nito. “I don’t own this hotel, Sebastian.” ani Liam na para bang napaka-istupido ng iniutos ng lalaking Sebastian pala ang pangalan. “Then f*****g call the owner. You’re her bodyguard.” Muli akong napangiwi sa pagmumura na naman ng lalaki. “Puwede bang tumigil ka sa pagmumura dahil mas lalo lang akong nahihilo.” Hindi na nakatiis na sabi ko sa lalaking palamura ang bibig. Nagmumura rin naman ako, pero sa tuwing naiinis lang ako. Ibig bang sabihin naiinis siya? Sa nangyari ba ng pagkawala ng kuryente o sa akin dahil halos bumaon na ang kuko ko sa balat niya? Narinig ko naman ang mahinang pagtawa no'ng lalaking Liam ang pangalan. Hindi man lang na-offend sa pagmumura ng kasama niya. Bumitiw ako sa pagkakahawak kay Sebastian. Baka dahil sa paghawak ko kaya atat na atat ng makalabas dito. I did inhale and exhale to calm myself. Pero nang maamoy ko na naman ang magkahalong pabango ng mga ito ay mabilis akong natakpan ang aking ilong. “Bernard, tell the hotel staff that we’re stuck in the elevator.” Narinig kong sabi no'ng Sebastian at nang tingnan ko siya ay may kausap na ito sa cellphone nito. “And also tell them to bring a doctor.” Mas lalo akong kinabahan. Nasugatan ko ba ang braso niya? Kung pakaisipin ko ng mabuti ang halos pagbaon ng kuko ko sa balat niya, baka nga nasugatan nga siya ng kuko ko. Nagulat ako nang may kumuha sa kanang kamay ko kaya agad akong napatingin sa taong gumawa n’yon. Si Liam at sinimulan niyang pisil-pisilin ang palad ko. “This will help you relax.” Pero sa halip na ma-relax ay mas lalo lang akong nahilo nang mas lalo kong naamoy ang matapang niyang pabango. Ngayon ko lang napagtanto, ang pabango niya ang hindi ko gustong maamoy. Ang baho at sobrang sakit sa ilong. Umatras ako para lumayo sana nang muling umalog ang elevator. Bumalik na ang kuryente. Pero dahil nanghihina ako at nahihilo kaya nawalan ako ng balanse at tuluyan nang nawalan ng malay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD