Yssabela NAGKULONG ako sa kuwarto. Hindi ako makapagdesisyon. I don’t want to end our relationship like that. Alam ko na masasaktan ko si Elia, and that’s the last thing I want! Nakahiga lang ako sa kama. Hindi na ako makabangon dahil sobrang bigat ng nararamdaman ko. Pakiramdam ko ay malapit na akong malunod sa mga nararamdaman. “Ate…” Tumingin ako sa pumasok sa pinto. Nakita ko ang nakababatang kapatid ko. Ang sabi ni Mommy, kaya wala si Ismael kanina ay dahil nasa bahay ng kaibigan. Maganda na rin na wala ito at hindi nasaksihan ang mga nangyari kanina. Lumapit si Ismael sa akin. Sumampa siya sa kama at pinagmasdan ako. “Are you crying, Ate?” Bumangon ako at pilit na ngumiti sa aking kapatid kahit nanghihina. “I’m okay, Ismael. Ate is just tired.” Huminga siya nang malalim. I

