Yssabela KINABAHAN ako noong una nang makita ko si Alessia, lalo na nang hindi ko maipinta ang reaksyon niya nang makita ako. Hindi ko mapigilang isipin na baka…galit siya sa akin. Hindi rin ako umalis sa kinatatayuan ko. Nanatili akong nakatayo roon at nakatingin lang sa kanya. Gusto kong lumapit kay Alessia at yakapin siya dahil matagal-tagal na rin simula nang magkita kaming dalawa. “Yssa!” Tumakbo si Alessia papalapit sa akin at ikinagulat ko nang yakapin niya ako. Umawang ang aking bibig at nanginit ang gilid ng aking mga mata nang mapagtanto na niyakap ako ng isa sa malapit na kaibigan ko. Niyakap ko rin si Alessia. Narinig ko ang pag-iyak niya at nahawa na rin ako sa kanya. Hindi ko napigilan na maluha na rin. Ang tagal kong pinangarap na magkita kami at humingi ng paumanhin

