Yssabela “G-GUSTO ko nang umuwi, Elia.” Hindi ko alam kung bakit ganoon ang sinabi ko. Matagal ko siyang gustong makita at maghiganti sa ginawa niya sa akin, pero siguro dahil na rin nawalan ako ng pag-asa na makikita ko ang assailant ko, ganito ang reaksyon ko ngayon. Napakapit ako sa damit ni Elia. Akala mo ay isa akong bata na ayaw bumitaw sa kanyang magulang dahil natatakot na mawala. “Umuwi na tayo.” Hinawakan ni Elia ang aking kamay at umalis kami roon. Hindi na nga siya nagpaalam sa kanyang ama at dali-dali kaming umalis ng bahay na iyon. Pumasok ako sa loob ng sasakyan. Isinara naman ni Elia ang pinto at pumunta sa driver seat. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at nanatiling tahimik. There’s this constant chilly feeling na kanina ko pa nararamdaman simula nang makita k

