Yssabela NAKAHIGA ako sa kama ko. Ang pagkakaalam ko ay 7 o’clock ang start ng party para sa pagkapanalo ng team ng school namin. Dapat ay pupunta ako kanina, pero nang makita ko ang nangyari kanina sa court, huwag na lang pala. Am I jealous? Bakit ako magseselos? Hindi naman ako selosang tao noon pa man. Siguro dahil nakukuha ko lahat ng gusto ko at kung magsawa ay bigla na lamang iiwan ang mga gamit na napagsawaan ko kaya hindi ako nakakaramdam ng selos. Kahit sa tao ay ganoon ako. Nakukuha ko lahat ng nagugustuhan ko at kapag may hindi sila nagawang maganda o naghanap ng ibang babae, I will leave them immediately. I was never insecure because I know I am pretty, pero bakit ganito ang nararamdaman ko dahil kay Elia at Esme? I hate it. Kaya nagpasiya ako na huwag na lang pumunta. Maki

