KABANATA 81: RIBBONS

2216 Words

Yssabela HINDI ako nagsasalita simula noong binati ko si Esme. Panay ang pagkukwentuhan nila habang ako ay umiinom lang ng wine. Kapag kinakausap ako nina Tomas at Basil, agad na kukunin ni Esme ang atensyon nila. Mas pinili ko na lang na manahimik at hayaan siya. “How about you, Elia? Huling balita ko sa ‘yo ay noong makapasa ka ng bar exam!” Binalingan na naman ni Esme si Elia at maging ako ay natigilan kahit hindi naman ako ang kinakausap. May gusto pa rin ba si Esme kay Elia? Niligawan ba siya ni Elia noong umalis ako? Anong nangyari sa kanila nang mawala ako sa Buenavista? “I was busy,” sagot ni Elia. Ngumiti si Esme habang nakatingin kay Elia. I guess, may nararamdaman pa rin siya kay Eslia base sa pamamaraan niya ng pagtingin din. Napakuyom ako ng kamay. Nagseselos na naman

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD