Yssabela NANG kumalma ako, nasa living room na kami. Hindi ako binitawan ni Elia kahit noong panay ang aking paghagulhol. “Yssabela, tell me what happened.” Huminga ako nang malalim. Alam ko na may hindi pa kami naaayos na problema, pero iba ito. Kapatid ko ang damay rito, at kung kailangan kong iisang-tabi muna ang problema namin ni Elia, gagawin ko. Dahil alam ko, si Elia lamang ang may kakayahan na makatulong sa akin. I hate to admit it. Hindi ako dumedepende sa ibang tao sa tuwing binabagsakan ako ng problema, pero alam ko na si Elia ang may kakayahan na tulungan ako ngayon. “Elia,” pagtawag ko sa kanyang pangalan. “Please, help me.” Kumunot ang kanyang noo. Halatang hindi niya ako maintindihan at naguguluhan pa. Siguro ay hindi pa niya nababalitaan ang nangyari sa kapatid ko. “

