Yssabela KANINA pa pinapaalis ni Elia si Adelaine pero parang lintang nakadikit si Adelaine kay Elia. Kung ako na lang kaya ang umalis? “Aalis na ako.” Nakuha ko ang atensyon ni Elia. Kumunot ang noo niya. “What? No!” Itinulak niya si Adelaine. This time, mas malakas na iyon. Muntikan nang matumba si Adelaine, mabuti na lang at nagawa siyang masalo ni Jansen. Hinawakan ni Elia ang kamay ko. “You’re not leaving. Kung may aalis man dito, si Adelaine ‘yon.” Kumunot ang noo ni Adelaine nang marinig niya ang sinabi ni Elia. Tiningnan niya rin ang magkahawak naming kamay. “Yssa, hindi ba sinabi mo na dadalawin mo ang asawa mo?” tanong ni Adelaine sa akin. “That’s correct.” Si Elia ang sumagot sa tanong niya. “I am the husband. Didn’t I call off the engagement with you?” Umawang ang la

