Yssabela “GUSTO mo bang sumakay sa bangka?” Nagtaka pa ako sa itinanong niya sa akin noong una. Ngumuso siya at itinuro iyong mga maliliit na bangkang nakaparada sa pangpang. Naisip ko na parang gusto ko ngang i-try na sumakay sa ganyan. I already rode a yacht, jetski, cruise ship, pero hindi ko pa nata-try na sumakay sa ganyan. “May magma-maneuver niyan?” Mukha namang pinapagana ng electric motor iyong bangka. Naka-shirt na si Elia. Ibinigay ko ‘yong t-shirt niya at pinasuot dahil hindi ko kaya ang abs niya! “Oo, ako.” sabi ni Elia. “Gusto mo ba? I-rent natin.” Maglalakad na sana si Elia papunta roon nang hawakan ko ang braso niya. Napatigil siya at tumingin sa akin. Napatingin kaming dalawa sa kamay kong nakahawak sa kanya. Mabilis ko iyong tinanggal. Tumikhim ako bago magsalita.

