Yssabela NAKATULALA pa rin ako sa aking cellphone. Hindi ko na nga mabilang kung ilang beses ko pa binasa ang huling mensahe ni Elia. Kanina pa pala ito nagte-text! Pero dahil inisip ko na baka hidi siya mag-text ay hindi ko naisip na silipin ang cellphone ko. Nagtaas ako ng tingin nang mapansin ko na may lumapit sa amin. Akala mo ay tumigil ang oras ng lahat dahil nakatingin ang mga tao sa kanilang dalawa ni Esteban Zendejas. Ngayon ko lang nakita si Elia na ganito ang ayos. Hindi sa minamaliit ko siya, pero hindi ko na-imagine noon that he can pull off a city boy look. He looks different from the way he used in Buenavista, but in a good way. Magkatitigan kaming dalawa na akala mo ay walang pakealam sa ibang tao. Napagtanto ko lamang na nagbubulungan na pala ang iba nang marinig ko

