Yssabela MATAPOS naming makauwi, pinagpahinga na ako ni Elia. Nakahiga na ako sa aking kama pero hindi ako mapalagay. Marami akong gustong sabihin sa kanya. Nang dumating ang mga tauhan ni Elia kanina, naluha ako dahil alam ko na ligtas na kaming dalawa ni Alessia. Para bang nakahinga ako nang maluwag dahil alam ko na darating si Elia. Naglakad ako papunta sa opisina niya rito sa penthouse nang hindi talaga ako mapalagay. Alam ko na naandito siya dahil nang kumatok ako sa kanyang kuwarto, walang nasagot. Huminga muna ako nang malalim at binuo ko ang mga gusto kong sabihin sa kanya bago kumatok sa pinto ng opisina. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa loob. Madilim ang silid pero may kaunting liwanag pa rin naman. Nakita ko si Elia na nakaupo sa kanyang silya habang may alak sa kanyang

