Yssabela “YOUR HONOR, we manifest that the accused has settled the amount that the private complainants demanded,” sabi ng abogado ko. “We confirmed that my clients received the said amount, Your Honor. The clients pray for the case to be dismissed, Your Honor,” sabi ni Elia. Matapos naming magkasundong dalawa, sinabi niya sa akin na siya na ang bahalang magbigay ng halagang hinihingi ng mga kliyente niya nang sa ganoon ay iurong na ng mga ito ang kaso laban sa akin. Pinagsalikop ko ang aking mga daliri. Nakayuko ako at pinipisil ang aking kamay. Hindi ako makapaniwala kung anong pinasok ko. Ganoon man, may mga pinaplano naman ako. Kung akala ni Elia na pabor ang lahat sa kanya, gagawin ko ang lahat para pumabor din sa akin ang sitwasyon. “Your Honor, we’re ready to submit the affidav

