Yssabela IRITADO akong pumasok sa loob ng classroom. Ang lahat ng saya at excitement na nararamdaman ko ay biglang nawala. Matapos akong kausapin ni Elia kanina, hindi ko na siya pinansin. Anong ibig sabihin niya sa hindi niya ako hahayaan na makuha ang 1st place? Dahil ba gusto niyang ipamukha sa akin na mas matalino siya? May kasunod pa ang sinabi nito pero hindi ko na masyadong narinig dahil tila ba lumipad na ang isip ko nang mga orras na ‘yon. But how can he do that? Hindi ko man lang nakita ang lalaking iyon na nag-aral! Madalas nga ay naglalaro pa siya ng basketball! I was so sure I was getting that place—the top rank! Umingay sa classroom nang pumasok ang grupo nina Elia. Kahit ang mga taga-ibang klase ay kino-congratulate siya. I always knew that Elia has a reputation in t

