Yssabela “HUH?!” Hindi ko alam kung paano kami napunta sa ganitong punto. Akala ko talaga ay imposible na mapili ako sa ganito, lalo na at bagong salta lamang ako rito sa school. Isa pa, wala ako sa sarili ko kanina pa dahil sa kiss namin ni Elia noong nakaraan tapos maririnig ko na lang ang pangalan ko na tinatawag?! “It’s final,” sabi ng president ng organization ng course namin. “Si Miss Yssa ang isasali natin sa pageant bilang representative ng course natin at si Tim naman sa lalaki.” Laglag pa rin ang aking panga dahil doon. Nagkaron ng botohan kung sinong isasali sa pageant at itong sina Tomas ay binanggit ata ang aking pangalan habang wala ako sa sarili. “Maganda nga iyan! New face, fresh! Maganda rin si Yssa at feeling ko ay sanay siya sa pageant. Sexy rin! Malaki ang chan

