Yssabela PARATI akong tulala. Mabuti na lang din talaga at hindi ako iniwan ng mga kaibigan ko. May mga pagkakataon na kapag nasa kusina ako at nawawala sa sarili dahil sa mga nangyayari, gusto ko na lang tapusin ang sariling buhay. Baka sakaling kapag ginawa ko iyon, matapos ang sakit na nararamdaman ko. That was an easy escape, pero sa tuwing naaalala ko ang mga maiiwan ko kagaya ng kapatid ko at ang may sakit kong ina, hindi ko naitutuloy ang plano. Nag-report din ako sa mga pulis, pero dahil wala naman daw akong maibibigay na impormasyon sa kanila na makakatulong sa kaso ko, hindi nila ako in-entertain. Lalo akong nawalan ng pag-asa na mahuhuli ang mga bumaboy sa akin. Kapag may mga lalaking lumalapit sa akin o hindi kaya’y hahawakan ako, napapaigtad ako at umiiwas sa kanila. Nat

