Yssabela “HUSBAND?!” Halatang gulat na gulat si Lysander nang marinig niya ang tungkol doon. Nakahinga naman ako nang maayos na naririto si Elia kahit na hindi ako sigurado kung magandang indikasyon nga na naririto siya. “You heard me,” sabi ni Elia. “Ngayon ay ano nga ulit ang sinasabi mo sa asawa ko?” Nanatiling nakatingin si Lysander kay Elia habang si Elia ay nasa gilid ko at nakapulupot ang kanyang isang kamay sa aking baywang. Lumipat ang tingin ni Lysander sa kamay ni Elia na nasa may tiyan ko bago magtaas ng tingin sa akin. Tiningnan niya ako na akala mo ay humihingi ng kasagutan sa akin. Huminga ako nang malalim. “I told you. Sinabi ko sa ‘yo na kasal na ako, Lysander.” Hindi man ako tumingin kay Elia, nararamdaman ko ang pagtingin niya sa akin. “But there’s no ring!” sabi

