Yssabela ANONG ginawa ko kanina? Nagpagulong-gulo ako sa kama nang maalala ko na hinawakan ko ang kamay ni Elia kanina at magka-holding hands kami habang papauwi! Bakit ko iyon ginawa? Hindi ko rin maintindihan ang sarili! Tumili ako habang nakabaon ang mukha ko sa unan. Nababaliw na ata ako! Tumulala ako sa kisame. Masama itong nararamdaman ko. Mukhang…hulog na hulog na ako sa kanya. Ipinikit ko ang aking mga mata at sinabi na lamang sa sarili na kailangan ko itong itulog! Hanggang panaginip ata si Elia ang laman nito. Nagkausap na rin kami ni Alessia. Humingi nga siya ng sorry sa akin dahil daw hindi niya kaagad nasabi sa akin na magpinsan sila. Sasabihin niya naman daw kaya lang ay hindi niya makita ang tamang oras para sabihin sa akin. Hindi naman ako galit, medyo nagtampo lang

