"THANK you, Ma'am. Enjoy your meal," nakangiting wika ni Serena sa customer nang i-abot niya dito ang pagkain na in-order nito. Nasa trabaho siya nang sandaling iyon Pagkatapos nitong umalis sa harap niya ay agad naman siyang nagligpit dahil oras na para kumain siya ng lunch. May papalit din sa kanya na counter. At nang matapos ay umalis na siya sa counter. Kinuha naman niya ang bag niya para makakain na, medyo nagugutom na din kasi siya. Pero bago iyon ay kinuha niya ang cellphone niya na nasa loob ng bag niya para tingnan kung may importante ba siyang tawag o text. Mayamaya ay napakunot ng noo si Serena nang makita niya ang dalawang missed call at isang text message galing sa police station. Bigla namang binundol ng kaba ang puso niya nang sandaling iyon. At unang pumasok kasi sa

