KUMATOK si Serena sa pinto sa kwarto ng Nanay niya. At nang wala siyang marinig mula sa loob ay napagpasyahan niyang buksan ang pinto para pumasok. Agad naman niyang nakita ang ina, nakaupo ito sa gilid ng kama at nakatingin sa kawalan. Pagkatapos nilang ma-discharge sa ospital at nang makauwi sila ay hindi na ito lumabas ng kwarto. Nag-aalala na din siya dahil hindi din iniinom ng Nanay niya ang mga gamot na nireseta ng doctor dito, mukhang gusto nitong totohanin ang sinabi nito sa kanya na ayaw na nitong mabuhay. "Nay," tawag naman niya sa atensiyon nito. Nilingon naman siya nito. "Bakit?" tanong nito ng magtama ang mga mata nila. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi bago siya humakbang palapit dito. "K-kailangan niyo pong uminom ng gamot," wika niya, inabot nga din niya

