AFTER three days tuluyan na ding gumaling ang na-sprain na paa ni Serena. Sa katunayan ay maayos na siyang nakakapaglakad. At sa loob ng tatlong araw na iyon ay hindi na naman umalis si Mayor Raven sa tabi niya. Kahit na anong pilit niya na pumasok ito sa trabaho ay talagang ayaw nitong papilit. For Pete's sake! He's the Mayor of their town, and many people need him. But he's still prioritizing her. Kung hindi lang niya alam kung ano ang gusto ni Mayor Raven sa kanya ay iisipin niyang may nararamdaman ito sa kanya, iisipin niyang may gusto ito sa kanya. Pero alam naman niyang imposible ang iniisip niya. Mayor Raven just wants her body. Nothing more, nothing less. At nang masiguro ni Mayor Raven na okay na siya, na kaya na niyang maglakad nang maayos ay doon lang nito naisipan na pum

