KUMUNOT ang noo ni Mayor Raven nang makarating siya sa Mayor's Office ay nakita niya na wala sa cubicle nito ang secretary niya. Napansin nga din niya na hindi pa naka-switch ang computer nito. Hindi ba pumasok ang secretary niya? Pero kung hindi ito papasok, bakit wala itong abiso. Dati-rati naman, kapag hindi ito nakakapasok ay nagti-text ito para i-impormahin siya. Hindi pa nga din nagbabago ang ekspresyon ng mukha ni Mayor Raven nang pumasok siya sa loob ng Mayor's Office. Pagpasok nga niya sa loob ay naramdaman niya ang init, hindi pa kasi naka-switch ang aircon sa opisina. Dati-rati kapag pumapasok siya sa kanyang opisina ay malamig ma dahil sini-switch na ng secretary niya ang aircon. At dahil wala nga ito ay hindi nito na-switch ang aircon. Si Mayor Raven naman na ang nag-on n

