"RAVEN." Tawag ni Serena sa atensiyon ni Mayor Raven ng sandaling iyon na abala sa binabasa nito. Mula sa dokumentong binabasa ay nag-angat ito ng tingin patungo sa kanya. "Yes?" tanong nito sa kanya ng magtama ang mga mata nila. Humugot naman si Serena nang malalim na buntong-hininga bago bumuka ang bibig niya para magsalita. "Safe na ba akong lumabas?" tanong niya kay Mayor Raven. Halos magdadalawang linggo na din simula noong nangyaring pagbabanta sa kanya, simula noong dalhin siya ni Mayor Raven sa mansion nito at nang ilipat siya nito sa isa pang bahay nito. Gusto na din kasi ni Serena na bisitahin ang bahay nila, nami-miss na din kasi niya ang bahay nila. At gusto na din niyang bumalik sa trabaho para makapag-ipon siya ng pera para madalaw niya ang ina sa Manila, miss na miss na d

