TUMAYO si Serena mula sa pagkakaupo niya sa sofa nang makita niya ang paglapit ni Mayor Raven, nakabihis na ito at mukhang handa ng pumasok sa munisipyo. Nakita nga ni Serena ang pagpasada nito ng tingin sa kanya mula ulo hanggang paa. Napansin nga niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. Hindi nga din niya napigilan na pasadahan ang sarili, okay naman ang ayos siya. Nakasuot siya ng itim na skirt at puting blouse. Hindi maikli ang suot niyang skirt, sa katunayan ay malapit na iyon sa tuhod niya. Ang desente nga niyang tingnan ng sandaling iyon. Sa katunayan ang lalaki pa bumili ng suot niya. Nang ginawa ni Serena ang kondisyon ni Mayor Raven para payagan siya nito na lumabas na at bumalik sa trabaho ay inakala niya na makakabalik na siya sa dati niyang trabaho. Pero hindi pala, dahil

