BUMILIS ang t***k ng puso ni Serena nang matanaw niya si Mayor Raven na nasa b****a ng restaurant kung saan sila magla-lunch. Nakatayo ito doon na para bang may hinihintay. "Mama, si Rabem, oh?" mayamaya ay turo ng anak nang makita din nito ang lalaki. "Mukhang kayo ang hinihintay." Napatingin naman si Serena kay Ariel nang marinig din niya ang sinabi nito. Napansin niya ang seryosong ekspresyon ng mukha nito, napansin nga din nita ang paghigpit ng pagkakahawak nito sa manibela habang ang tingin ay na kay Ravrn dito. Binasa naman ni Serena ang ibabang labi. "B-baka hindi naman," sagot na lang naman niya kahit na may ideya siya na baka nga sila ang hinihintay nito gaya na lang kanina noong natagalan sila dahil nasiraan ng sasakyan si Ariel habang patungo sila sa munisipyo. Na-d

