AFTER FOUR YEARS... NAPATIGIL si Serena mula sa pagluluto ng breakfast ng marinig niya ang pag-iyak ng tatlong taon na anak na si Selena. Pinatay naman niya ang stove para puntahan ang anak sa kwarto. Tulog pa ito kanina noong iwan niya ito doon. Pero mukhang gising na ito at hinahanap siya kaya ito umiiyak. Ganoon kasi ang anak niya, kapag hindi siya nito nakita kapag nagigising ito sa umaga ay umiiyak ito. Kaya nga hindi siya pwedeng mawalay dito ng matagal at saka ayaw din niya dahil nasanay na din siya na kasama-kasama ito. And Selena is her source of strength. Pagdating sa kwarto ay nakita niya si Selena. Yakap-yakap nito ang Teddy Bear na bigay niya dito habang umiiyak. "Selena, anak?" tawag niya sa atensiyon nito sa malambing na boses. Nag-angat ito ng tingin patungo sa d

