KUMAKAIN si Serena ng mansanas nang makarinig siya nang mahinang katok na nanggaling sa labas ng pinto ng bahay nila. Inalis naman niya ang tingin sa harap ng TV at inilipat niya iyon sa gawi ng pinto. At bago pa siya makatayo mula sa pagkakaupo niya sa sofa sa may sala para sana pagbuksan ang kumakatok ng mapatigil siya nang unahan na siya ni Donna. "Ako na, Serena," wika naman ni Donna sa kanya. Sinundan niya ang kaibigan ng tingin ng humakbang ito patungo sa dereksiyon ng pinto para pagbuksan kung sino ang kumakatak. Gusto kasi niyang makita kung sino ang nasa labas ng bahay ng ganoong oras. Wala naman kasi silang inaasahan na bisita ng sandaling iyon. Pero naisip naman niyang baka ang ina ni Donna ang naroon, iche-check sila. Ganoon kasi ang madalas nitong gawin kapag matutulog na

