SAKTONG paglabas ni Serena sa banyo nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng cellphone niya na nakalapag sa ibabaw ng bedside table. Akmang lalapitan niya iyon para sana tingnan kung sino ang tumatawag ng tumigil iyon sa pagtunog. Gayunpaman ay lumapit pa din siya para tingnan kung sino ang tumatawag sa kanya ng sandaling iyon. Nakita naman niyang si Donna ang tumatawag sa kanya ng madampot niya ang cellphone. At sa halip na hintayin ulit itong tumawag ay siya na mismo ang tumawag dito. Dinial ni Serena ang numero ni Donna at mukhang hawak-hawak nito ang cellphone dahil agad nitong sinagot ang tawag niya. "Serena." Narinig niyang banggit ni Donna sa pangalan niya. "Pasensiya na, Donna. Nasa banyo kasi ako noong tumatawag ka," paghingi niya ng paunmanhin sa babae kung bakit hi

