"KAMUSTA po kayo diyan, Nay?" tanong ni Serena sa Nanay niya nang minsang tawagan niya ito. Walang cellphone ang nanay niya pero may cellphone ang caregiver nitong si Lorie kaya ito ang tinawagan niya para makausap ang ina. Mabuti na nga lang at mabait si Lorie dahil noong nag-text siya dito kung pwede siyang tumawag dahil gusto niyang makausap ang Nanay niya ay pumayag ito. Sa katunayan ito nga ang tumawag sa kanya, sinabi nga nitong mag-video call na lang sila para makita niya ang mukha ng Nanay niya. Gusto man niya pero gaya ng sinabi niya kay Mayor Raven ay outdated ang cellphone niya. Nasira kasi ang cellphone ni Serena na may camera. Hindi pa siya nakakabili kaya iyong pinaglumaan ng Kuya Sancho niya ang gamit niya. Sa totoo lang pinag-iipunan din niyang bumili ng cellphone, kahi

