"SERENA." Nag-angat ng tingin si Serena patungo kay Mayor Raven ng tawagin nito ang pangalan niya. "Bakit?" tanong niya ng magtama ang mga mata nila. Saglit siya nitong tinitigan bago bumuka ang bibig nito magsalita. "Can you make me a coffee?" utos ni Mayor Raven sa kanya. "Sige po," sagot naman niya. Tumayo si Serena mula sa pagkakaupo niya sa kanyang upuan para ipagtimpla si Mayor Raven ng kape na inuutos nito sa kanya. At nang matapos ay binitbit niya iyon para ibigay kay Mayor Raven. "Careful," wika naman nito nang maglakad siya palapit dito. Napalunok nga si Serena nang makita niya ang titig na pinagkakaloob ni Mayor Raven. He couldn't take his eyes off her. At nang tuluyan makalapit ay ibinaba niya ang kape na hawak sa ibabaw ng executive table. "Thanks," wika nito at

