NAG-ANGAT ng tingin si Serena patungo kay Mayor Raven nang marinig niya ang boses nito. At nakita niyang nakasapak ang hawak nitong cellphone sa isang tainga nito. At doon niya napansin na may kausap ito. "Calixto, order-an mo kami ng lunch ni Serena," narinig niyang utos ni Mayor Raven sa bodyguard dito. At nang sulyapan niya ang suot na wristwatch ay doon lang niya napansin kung ano ang oras na. Malapit na ulit mag-lunch. "Chicken and mixed vegatables," dagdag pa na wika nito, mukhang tinanong ni Kuya Calixto kung ano ang pagkain na o-order-in nito. At habang kausap ni Mayor Raven si Kuya Calixto ay sumulyap ito sa kanya, huli na para iiwas ni Serena ang tingin dahil huling-huli na siya ng lalaki na nakatingin dito. At nang magtagpo ang tingin nilang dalawa ay hindi na nito inalis

