PAGLABAS ni Serena sa banyo ay ang pagpasok din ni Mayor Raven sa loob ng kwarto. Saglit nga silang nagkagulatan na dalawa hanggang sa napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa hawak niya ng sandaling iyon. "What are you going to do?" tanong nito nang muli nitong ibinalik ang tingin sa kanya Inayos muna ni Serena ang laundry basket na hawak bago niya sinagot ang tanong ni Mayor Raven. "Maglalaba," sagot niya dito. Sabado ngayon. Walang pasok sa munisipyo at wala din siyang lakad kaya naisipan na lang ni Serena na maglaba. Marami na din kasi siyang labahin. Naisip nga din niya na labhan na din ang mga damit ni Mayor Raven para hindi na nito iyon ipa-laundry. Napansin naman niya ang bahagyang pagkunot ng noo nito. "Huwag na. Ipapa-laundry ko na lang," sagot ni Mayor Raven sa kanya.

