"ANO po ito, Mayor?" Narinig ni Serena na tanong ng asawa ni Justin ng may i-abot si Mayor Raven na isang sobre dito. Serena remained silent on the side, observing them quietly. Mayamaya ay napansin niya ang panlalaki ng mga mata nito ng silipin nito ang laman ng envelope. Pagkatapos niyon ay ibinabalik nito iyon kay Mayor Raven. "Mayor, m-malaking halaga po ito. Hindi na po namin ito matatanggap," wika ng babae kay Mayor Raven. "Iyong pangako niyo po na kayo ang magbabayad ng hospital bill at pagpapagaling ni Justin ay sobra na po," dagdag pa na wika nito. Instead of taking the envelope, Mayor Raven inserted his hand into the pocket of his pants. "Tanggapin niyo na po iyon. Tulong ko na sa inyong pamilya," wika ni Mayor Raven. "At huwag po kayong mag-alala, galing sa personal na pe

