NAG-ANGAT si Serena nang tingin nang mula sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang pagtayo ni Mayor Raven mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair nito. She quickly averted her gaze from the man when she caught him staring at her. Ibinalik naman niya ang atensiyon sa harap ng computer at nagkunwari siyang busy doon. At mula ulit sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya ang paglapit ni Mayor Raven sa mesa niya at ang paghinto nito sa harap niya. "Serena." He called her name in a deep and baritone voice. Dahan-dahan naman siyang nag-angat ng tingin. "Let's go," wika nito nang mag-angat siya ng tingin. Bahagya namang kumunot ang noo niya. Tiningnan nga din niya ang oras sa monitor ng computer. "Ha? Wala pang uwian." Hindi niya napigilan na sabihin dito. At halos pigil ni Se

