Chapter 65

1396 Words

"SERENA, kain na." Inalis ni Serena ang tingin sa cellphone niya ng marinig niya ang boses na iyon ni Donna na tinatawag siya. Naglakas-loob na kasi siyang i-text si Mayor Raven para kamustahin. At kanina pa niya hinihintay ang reply nito. Hindi nga niya alam kung ilang minuto na siyang nakatitig sa cellphone niya, naghihintay na tumunog iyon para sa reply nito. Pero tinubuan na yata siya ng ugat ay wala pa din itong reply sa kanya. Dati-rati naman ay lagi itong nagti-text at tumatawag sa kanya. Mas lalo nga niyang naramdaman ang sakit sa puso. Masakit na nga ang naramdaman niya kanina noong hindi man lang siya nito pinansin noong nagkita sila sa simbahan. Well, hindi naman umaasa si Serena na papansin siya nito doon. Siyempre, nasa loob sila ng simbahan, nasa public place. At ang usapa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD