Chapter 94

1923 Words

"MAMA, sama po ako." Humugot ng malalim na buntong-hininga si Serena nang marinig niya ang boses na iyon ni Selena. Naramdaman nga din niya ang paghawak nito sa laylayan ng damit niya na para bang pinipigilan siya nitong umalis. "Selena, apo. Hayaan muna ang Mama mo na umalis. Babalik din siya," wika naman ng Nanay Mildred niya sa apo nito. Lumapit na nga din ito sa kanila, hinawakan ng ina ang braso ng anak para ilayo sa kanya pero mahigpit na yumakap ang anak sa binti niya. "Ayaw po, Lola. Sama po, Mama. Sama po ako." Halos humigpit ang pagkakayakap nito sa mga binti niya. Nag-umpisa na nga din itong umiyak at parang nadudurog ang puso ni Serena nang marinig niya ang pag-iyak nito. Sa pangalawang pagkakataon ay bumuntong-hininga ulit si Serena. Pagkatapos niyon ay tinanggal niya a

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD