PAGMULAT ng mga mata ni Serena ay ang mukha ni Mayor Raven ang una niyang nakita. At hindi nga din niya napigilan ang pumungay ng mga mata nang mapansin niya ang posisyon nilang dalawa. Nakaunan siya sa braso nito at ang isang kamay nito ay nakapulupot sa baywang niya. Napansin niya masyadong clingy sa kanya si Mayor Raven kapag matutulog silang dalawa. Iyon kasi ang gustong-gusto nitong posisyon sa tuwing matutulog ito. He loves to cuddle. Hindi naman siya nagre-reklamo dahil gusto din niya ang pakiramdam na yakap siya ni Raven. She loved the idea of being embraced by him. Raven was sound asleep at the moment. Mukhang ang himbing ng tulong nito habang yakap siya kaya hindi muna siya gumalaw mula sa pagkakahiga niya, medyo maaga pa naman ng sandaling iyon. At hinayaan muna niya ang s

