KAILANGAN na ni Serena na maghanap ng trabaho. Kailangan kasi niyang mag-ipon para sa susunod na check-up niya at para na din sa panganganak niya. Paubos na din kasi ang perang naipon niya noon. At kung tuluyang maubos? Hindi niya alam kung saan siya kukuha ng pangangailangan niya, lalo pa at buntis siya. Kailangan niyang bumili ng mga cravings niya, mga vitamins. Sa totoo lang, hindi naman sana siya mamo-mobrema sa pera kung tinanggap niya ang malaking halaga na ibibigay sana sa kanya ni Mayor Raven bilang suporta sa pagbubuntis niya. At siguro para na din sa pananahimik niya. Binibigyan siya nito ng malaking halaga pa itikom niya ang bibig tungkol sa namagitan sa kanya at siguro ay ayaw niya itong guluhin. Baka iniisip nito na maghahabol pa siya dito. May natitirang pride naman si Se

