KANINA pa pasulyap-sulyap si Serena sa cellphone niya. May gusto siyang tawagan pero nagdadalawang isip siya kung tatawagan ba niya o hindi. Sinabi ni Nanay, kapag may gusto kang kainin ay kainin mo daw. Dahil baka makasama sa baby na nasa sinapupunan mo kung hindi mo kakainin ang pinaglilihian mo, naalala ni Serena ang sinabi sa kanya ni Donna nang mag-usap silang dalawa tungkol sa pagbubuntis niya. Alam na ng ina ni Donna ang tungkol sa pagbubuntis niya. Nasabi na din kasi nila iyon dito, nagpapasalamat nga din siya dito dahil hindi naman na ito nagtanong sa kanya kung sino ang ama ng pinagbubuntis niya. Mukhang nagbigay na ng head-ups si Donna sa ina nito. At nang maalala ni Serena ang sinabing iyon ng kaibigan ay napag-desisyonan niyang tawagan si Kuya Calixto. Ayaw niyang gawin

